ISA PANG CESSNA PLANE NAWAWALA

ISA na namang Cessna plane ang iniulat ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na may sakay na apat na pasahero kabilang ang piloto ang nawawala kahapon ng umaga sa Albay.

Idineklara ng CAAP na nasa Distress Phase na ang paghahanap sa nawawalang eroplano.

Ito ang ikalawang Cessna plane na nawawala sa loob lamang ng mahigit isang buwan kasunod ng Cessna 206 na inulat na nawawala sa Isabela nitong buwan ng Enero.

“A Cessna 340 (Caravan) aircraft with registry number RP-C2080 went missing in Camalig, Albay today, 18 February 2023. Last contact with the aircraft was made with air traffic control at 6:46 AM today, while the aircraft was abeam Camalig Bypass Road,” pahayag ng CAAP .

Nabatid na may sakay itong dalawang pasahero, piloto at crew nang umalis sa Bicol International Airport bandang ala- 6:43 kahapon ng umaga papuntang Maynila.

Minobilisa na ngayon ang Camalig local government, Philippine Air Force, Philippine Coast Guard, Office of Civil Defense, and National Disaster Risk Reduction and Management Council para sa posibleng pagsasagawa ng joint search and rescue operation. VERLIN RUIZ