ISA pang isolation facility ang itatayo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) sa Valenzuela City.
Ayon kay Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian, ang pasilidad na matatagpuan sa Arkong Bato na magsisimulang paganahin sa susunod na Linggo na may karagdagang 1,000 kama para sa COVID-19 patients.
Ang unang isolation facility na nagawa ng DPWH para sa Valenzuela ay may 40 kama.
Samantala, bilang karagdagang pag-iingat sa pagkalat ng COVID-19, ang Sangguniang Panlungsod ng Valenzuela ay nagpasa ng ordinansa na nagsusulong ng maingat na pagtatapon ng mga gamit na face mask at face shield.
Bago ang araw ng koleksyon ng basura, ang mga ginamit na face mask at face shield ay dapat munang i-disinfect sa pamamagitan ng chlorine-based solution.
At ang mga ito ay dapat itapon sa dilaw o sa kahit anong kulay na garbage bag na may nakasulat na “infectious waste” pagkatapos ma-disinfect.
May karampatang multa ang mga lalabag sa nasabing ordinansa. VICK TANES/ EVELYN GARCIA
Comments are closed.