ALBAY – NASA kalahating milyong piso umano ang natangay ng mga magnanakaw kay AKO Bicol Partylist Rep. Alfredo Garbin ang kasamahan at ka partido ng pinaslang na si Congressman Rodel Batocabe matapos looban ang bahay nito sa Winsor St., Ridge View Subd., Brgy. Buragwas, Legazpi City.
Sa report na inilabas ng Daraga PNP, bandang-alas-9:35 kahapon ng umaga ng maganap ang panloloob sa bahay ng mambabatas.
Sa imbestigasyon ng PNP, dumaan ang magnanakaw sa bintana ng comfort room sa bahay na matatagpuan sa second floor.
Habang nasa loob ng bahay ang magnanakaw tinangay nito ang isang personal bag ng mambabatas na naglalaman ng cash at cheque na nagkakahalaga ng P500,000 wristwatch, isang rolex, at dalawang piraso ng Patek Philippe.
Si Garbin ang naghayag at kasamang nanguna sa pangangalap ng reward money na umaabot na ngayon sa Php 25 milyon para sa pagkakakilanlan at ikadarakip ng mastermind sa pagpaslang kay Batocabe. VERLIN RUIZ
Comments are closed.