ISA PANG KONGRESISTA, PINAIIMBESTIGAHAN ANG MISSILE SYSTEM NG CHINA SA WPS

IPINASISILIP na rin ng isang kongresista sa Mababang Kapulungan ang paglalagay ng missile system ng China sa West Philippine Sea.

Naglagay ng air missiles at surface to ship missile ang China sa sakop ng exclusive economic zone ng Pilipinas.

Ayon kay National Defense Vice Chairman Ruffy Biazon, mayroon itong epekto sa national security ng Pilipinas at ito ay dapat na ikonsiderang banta sa bansa.

Binigyang-diin ni Biazon sa House Resolution 1856 na hindi dapat i-tolerate ang ganitong gawain dahil ang paglalagay ng missile system ng China ay hindi naman imbitasyon ng Pilipinas at hindi rin nakapaloob sa kahit anumang kasunduan o tratado.

Layunin ng imbestigasyon na bumuo ng policy proposals o lehislasyon para igiit ang karapatan laban sa kapangyarihan at kayang gawin ng mga dayuhan. CONDE BATAC

 

Comments are closed.