ISA PANG PINAY NAGDALA NG KARANGALAN SA BANSA

Juliane Fernandez

BAGO matapos ang year 2018 ay isa na namang Pinay ang nagbigay karangalan sa ating bansa bilang hotshotsMiss Tourism International sa Malaysia.

Itinanghal na Dream Girl of the Year International ang ating Mutya ng Pilipinas 2018 na si Julieane Aya Fernandez na kung saan tinalo niya ang 45 candidates mula sa iba`t ibang bansa.

Mula Malaysia dumating si Aya suot ang kanyang korona at sash para magpasalamat sa mga kababayan natin na sinuportahan siya sa naturang beauty pageant.

Malaking tulong daw at impluwensiya ang pagkapanalo ni Catriona Gray sa Miss Universe 2018 kamakailan sa Bangkok, Thailand.

“Sobrang nagpapasalamat ako sa support ng mga Filipino kasi po nu’ng nandoon ako, si­yempre ibang bansa pero parang feel at home pa rin.

“Lahat sila, `Naku, Philippines, you`re  a threat, you`re a bigger threat now.` And ang mas nakakatuwa po nu’n, ‘yung mga kabayan po na nasa Malaysia, ‘pag nakikita po nila ako, `Ay! Kasamahan ni Catriona,” say ni Aya.

Sa pagkapanalo ni Aya ay itutuloy niya ang kanyang advocacy, ang sustainable livelihood and tourism.

At 17 years old ay sinimulan na ni Aya ang livelihood project na kung saan nagbibigay ng trabaho sa mga PWD or Persons With Disability.

Next year ay magtatapos ng kursong broadcast communication si Aya sa University of the Philippines-Diliman.

Gusto kasi ni Aya na magkapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo para maging good example siya sa mga gustong pasukin ang beauty pageants.

Congrats sa ating Miss Tourism International 2018.

DIREK JOEL LAMANGAN IBINULALAS ANG SAMA NG LOOB SA THEATER OWNERS

HINDI maiaalis kay Direk Joel Lamangan ang sama ng loob nang sabihan niya ang mga theater owner JOEL LAMANGANna bigyang-buhay naman ang mga pelikulang kasali sa Metro Manila Film Festvial at hindi ‘yung aalisin sa isang sinehan dahil mahina sa takilya.

Isa kasi sa pelikulang mahina sa takilya ay ang kanyang movie entry at dinirek na Rainbow`s Sunset na na-pull out para bigyang daan ang pelikulang dinudumog at pinilahan sa takilya.

Nagkamit ng sangkatutak na award kasi ang kanyang movie entry sa katatapos na Gabi ng Parangal ng MMFF 2018, pero sad to say nga ay mahina naman ito sa ta­kilya.

Dapat din siguro malaman ng karamihan na ang mga theater na pinaglalabasan ay nagbabayad ng koryente at mga empleyado kaya kaila­ngan nilang kumita para mabayaran din sila.

Kung sa isang sinehan nga naman ay 11 or 12 lang ang nanonood, tumatakbo ang koryente dahil sa aircon ang sinehan ay papayag ka ba naman na okey lang kahit walang gaanong manonood.

Maganda ang istor­ya ng Rainbow`s Sunset pero dapat din siguro mapagtanto na hindi gusto ng karamihang Pinoy na panoorin ang istorya ng kabaklaan.

Walang masama sa kasarian ng isang tao, pero dapat din siguro mapagtanto na gusto ba naman panoorin ng mga Pinoy ang kabaklaan movie.

Walang kaming problema sa mga tao may dugong berde dahil marami kaming kaibigan na mga bakla at very successful sa buhay. Dapat lang si­guro maging bukas ang isip na ang gustong panoorin ng karamihang Pinoy.

ANAK NI INA RAYMUNDO NAMBULABOG SA SOCIAL MEDIA

NABULABOG ang social media nang i-post ni Ina Raymundo ang larawan ng kanyang panganay na INA RAYMUNDOanak na babae, kasama ang isa pang babae sa kanyang Instagram.

Super daring kasi ang larawan ng panganay ni Ina na si Erika, half Filipino-Canadian na nakasuot ng skimpy two-piece bikini sakay ng yate.

Agaw-pansin nga ang anak ni Ina dahil napaka-seksi nito.

Teenager pa lang si Erika pero hubog na hubog na ang kaseksihan nito na tila minana niya sa kanyang ina na former sexy actress noong 90s at sa kanyang ama na isang hunk.

May hindi nakatiis na magtanong kay Ina kung totoo raw ba ang dibdib ng panganay na anak na si Erika?

Kaagad naman itong sinagot ng actress na si Ina na isang tunay at hindi salamat po doctor ang malusog na dibdib ni Erika.

Comments are closed.