NAKAKUHA ng tiket si Pinay weightlifter Elreen Ando sa Tokyo Olympics makaraang makapasok sa cut sa pamamagitan ng Absolute Continental Ranking ng International Weightlifting Federation (IWF) na ipinalabas Sabado ng umaga.
Si Ando ay nakakolekta ng 26,349,334 points para sa ika-12 puwesto sa -64 kg division makaraang magwagi ng dalawang silver medals at isang bronze sa International Weightlifting Federation (IWF) Asian Championships sa Tashkent, Uzbekistan noong Abril.
Nakapasok si Ando sa cut dahil ang Europe ay may apat nang lahok sa top nine ng rankings.
Sasamahan ni Ando sa kampanya ng bansa na masikwat ang mailap na Olympic gold sina fellow weightlifter at Olympic silver medalist Hidilyn Diaz, pole vaulter EJ Obiena, gymnast Caloy Yulo, boxers Carlo Paalam, Eumir Marcial, Irish Magno, at Nesthy Petecio, skateboarder Margielyn Didal, taekwondo jin Kurt Barbosa, at rower Cris Nievarez.
Inaasahan ding magkukuwalipika sa Olympiad si US Women’s Open champion Yuka Saso, gayundin ang kapwa niya golfers na sina Bianca Pagdanganan at Juvic Pagunsan.
138423 545714Beneficial info and outstanding style you got here! I want to thank you for sharing your tips and putting the time into the stuff you publish! Wonderful function! 917340
177938 73518Wow, superb weblog layout! How long have you been blogging for? you make blogging appear easy. The overall look of your web site is magnificent, as properly as the content material! xrumer 812713
229172 475740I took a break to view your post. I identified it really relaxing 701337