NEW ZEALAND – MAKARAAN ang nakalulungkot na pagkalunod ng bagong kasal na Filipino sa Maldives, isa pang Pinoy ang nalunod sa bansang ito kamakailan.
Sinabi ni Foreign Affairs Assistant Secretary Elmer Cato, lumalangoy sa Whanganui River ang 20-anyos kasama ang kaniyang mga kaibigan nang maganap ang trahedya.
“Nakalulungkot ito kasi this is the second case of a Filipino loosing his life in this manner,” ayon kay Cato.
Sa record, isang Filipino student Kent Espinosa ang nasunog sa Whangarei Falls at noong Oktubre 2018 ay mayroon ding Pinay ang nalunod nang kanyang isalba ang mga pamangkin mula sa pagkalunod.
Sinabi ni Ambassador to New Zealand Jesus Gary Domingo na magsasagawa sila ng mga pulong sa iba’t ibang lugar para sa Fil-ipino na nakabase sa nasabing bansa upang maging maingat at maiwasan ang disgrasya.
Ipinaabot na rin ng Department of Foreign Affairs ang kanilang pakikiramay sa pinakahuling insidente ng pagkalunod ng Pinoy. AIMEE ANOC
Comments are closed.