ISA PANG PINOY SA JAPAN B. LEAGUE

Javi Gomez de Liano

MAGLALARO na rin si dating University of the Philippines standout Javi Gomez de Liano bilang Asian import sa Japan B. League.

Si Gomez de Liano, 22, ay kinuha ng Ibaraki Robots, na kamakailan ay na-promote sa first division ng B.League.

Sinamahan niya ang kanyang nakababatang kapatid na si Juan, na naunang pumirma sa Division 2 team Earth-friends Tokyo Z.

Inanunsiyo ng koponan nitong Lunes na ang kontrata ni Gomez de Liano ay simula na sa 2021-22 season ng liga.

“I’m happy to announce that I’ll be playing for Ibaraki Robots in Japan B1 league,” sabi ni Gomez de Liano. “I’d like to thank Coach Richard (Glesman) and Robots management for giving me this opportunity of the lifetime.”

“I can’t wait to play for you guys and meet the amazing community out there,” dagdag pa niya.

Sa pagtanggap ni Gomez de Liano sa alok ng Japan B. League ay hindi na niya tatapusin ang kanyang final sea-son sa Fighting Maroons. Sa Season 82 ay may averages siya na 10.5 points, 3.0 rebounds, at 1.5 assists per game.

Naging bahagi rin siya ng Gilas Pilipinas sa FIBA Asia Cup 2021 qualifiers, kung saan may averages siya na 10.7 points at 3.0 rebounds per game sa loob ng 16.9 minuto.

Ang Gomez de Lianos ay ikalawang magkapatid na maglalaro sa Japan B.League.

Si Thirdy Ravena ay nasa kanyang ikalawang season na sa San-En NeoPhoenix, habang ang nakata-tandang ka-patid nito na si Kiefer ay kinuha ng Shiga Lakestars.

Gayunman, alanganin pa si Kiefer sa kanyang paglalaro dahil may kontrata pa siya sa NLEX Road War-ri-ors sa PBA.

5 thoughts on “ISA PANG PINOY SA JAPAN B. LEAGUE”

  1. 475618 579421Id need to have to consult you here. Which isnt some thing Which i do! I enjoy reading a post that can make people feel. Also, appreciate your permitting me to comment! 2737

  2. 694418 467849Hey I was just looking at your internet site in Firefox and the image at the top of the link cant show up properly. Just thought I would let you know. 227281

Leave a Reply

Your email address will not be published.