ISA sa bawat dalawang Pilipino ang nagpahayag ng suporta sa pagtatatag ng Maharlika Investment Fund (MIF).
Ito ang lumabas sa survey na isinagawa ng research firm na Tangere na nilahukan ng 2,400 respondents.
Ayon kay Tangere CEO at founder Martin Peñaflor, 2,010 o 83.75% ng mga Pilipino ang may kamalayan sa panukala.
Sa ilalim nito, 54.08% ang mahigpit na suportado o medyo suportado ang panukala, 21.34% ang neutral at 24.58% ang medyo salungat.
Noong nakaraang linggo ay inaprubahan sa Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala na sasailalim naman sa pagdinig ng Senado sa susunod na taon. DWIZ 882