(Isa sa kanyang investments) APARTMENTS NI KC CONCEPCION FOR RENT NA

HINDI lang pala ang islang nabili niya sa Palawan ang investment ni KC entra eksenaConcepcion, sa IG story ni KC ay ibinalita nitong nakapag-invest na rin siya ng apartment na sobrang laki. Ipinakita ng actress-businesswoman ang different spots ng pinarerentahan niyang apartment.

Galing daw lahat ‘yun sa kita niya sa showbiz at walang bigay ang kanyang mga magulang. “Ready na siya para sa tenant.

“Finally, ang sarap makitang tapos. Got this apartment 10 years ago… the fruits of my labor sa pag-aartista, not a single peso from my parents. Unang katas to!!! Hehehe, napapakinabangan hanggang ngayon,” sey pa ni KC sa kanyang Instagram account.

Nariyan  pa rin ang kanyang KC Mini Mart sa Makati at jewelry business na Avec Moi na ang actress mismo ang nagdidisenyo.

BROTHERS KERVIN AT KENNETH SAWYER PROUD NA NAPASALI SA MUSIKO

HINDI man pinalad na manalong “Best Song” sa Musiko ang kantang 45 (kwarenta Singko) ng Sawyer Brothers na sina Kervin at Kenneth ay masaya at proud ang mga ito na napabilang sila sa Reality Singing competition na umere ng one season (3 months) sa INCTV. Tanggap ng buong puso ng magkapatid ang nanalong kantang “Laan”, “Pag-ibig ay Ikaw” at “Ako’y handa na sa Tayo.”

Sumasaludo rin sina Kervin at Kenneth sa 8 top composers na nag-compose ng kanilang mga song.

“Ang gaga­ling n’yo guys, salamat po sa inyong lahat sa pagsubaybay sa amin sa MusiKo! Labs po namin kayong lahat mga tropa! Pero si­mula pa­lang ito ng adventures ng inyong mga paboritong Kuya! So stay updated lang ha! Keep on liking the page and sharing our posts! Hanggang sa muli!,” post pa ni Kervin sa kanyang Facebook account.

Sa rami ng positive feedbacks na natatanggap ng Sawyer brothers para sa kanilang “45” ay malayo ang mararating ng kanilang awitin.

MGA DABARKADS ‘WAG KUMURAP PARA MANALO NG APPLIANCES AT PANGKABUHAYAN SHOWCASE

YES, mga Dabarkads! Puwedeng-puwede kayong manalo ng appliances from Hanabishi, pangkabuhayan showcase worth 30,000 pesos galing sa Tindahan ni Aling Puring, Puregold at furnitures from Home Suite.

Abangan lang araw-araw sa Eat Bulaga ang pose na dapat ninyo i-post sa comment box para magkaroon ng chance na manalo ng mga nabanggit na prizes. Hindi na mabilang ang mga pinalad ng manalo rito kaya huwag niyong pakawalan ang inyong suwerte para maging negosyante.

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *