ISA SA MGA FRAMER NG 1987 CONSTITUTION PABOR SA CHA-CHA

PABOR  si dating Supreme Court Justice Adolfo Azcuna na kasapi ng Philippine Constitution Association at isa sa framer ng 1987 Constitution, sa pag- amyenda sa Saligang Batas o panukalang Charter Change (Cha-cha).

Giit ni Azcuna, dapat ay 51-49 lamang mula sa kasalukuyang 60-40 Filipino ownership ng mga industriya ang papayagan sa foreign ownership at hindi 100 porsiyento na puwedeng magmay-ari ang mga dayuhan, upang matiyak na mananatiling kontrolado pa rin ng mga Pilipino ang ekonomiya ng Pilipinas.

“Our economy should be effectively controlled by Filipinos.I did not propose to change that.So that the framework of foreign investment allowed under this changeable legislation scheme for foreign investment should still be effectively controlled by Filipinos.That’s why I mentioned 51-49 as an ideal proportion that you might consider, “sabi ni Azcuna sa ikalawang araw ng pagtalakay ng RBH7 ng Martes, Pebrero 27, matapos kwestiyunin ni Committee on Constitutional Amendments Chairman at Cagayan de Oro 2nd District Representative Rufus Rodriguez kung bakit hindi puwedeng payagan ng total control ang mga dayuhang mamumuhunan at bakit lilimitahan sa tatlo lamang ang industriyang maaaring paglagakan ng mga investment ng mga ito.

Sa kasalukuyan ay nabanggit ng mga mambababatas sa Kamara ang posibilidad na isulong ang 100 porsiyentong ownership o payagang magmay ari ng ilang industriya sa bansa ang foreign investors upang mahikayat ang mga itong mamuhunan sa Pilipinas upang makatulong sa pag- angat ng ekonomiya.

“Now if you have three areas as proposed now public utilities, education and advertising.I think even if you open it more than 51 percent, 49, it will not affect the entire economy from the control of Filipinos.So it will not violate that bedrock principle,”dagdag pa ni Azcuna.

Nagsimula ang serye ng pagtalakay sa Resolution of Both Houses (RBH) Number 7 na tinaguriang “Resolution of Congress Proposing Amendments to certain Economic Provisions of the 1987 Constitution of the Republic of the Philippines particularly on Article 17 section 12,14, and 16, ng Lunes Pebrero 26 sa Committee of the Whole House sa plenaryo sa Kamara bilang hakbang sa isinusulong na Cha-cha.

Naniniwala ang mga mambabatas sa mababang kapulungan na ang Cha-cha ang magluluwag sa “restrictive economic provisions” sa Konstitusyon, at hakbang aniya para mahikayat ang foreign investors na pumasok sa bansa.Ito ay sa kabila ng lumalaking bilang ng mga sektor sa lipunan na nagsimulang tumutol dito dahil sa pagkabahala na mailagay nito sa panganib ang soberanya ng bansa at gamitin lamang aniya sa pagpapalawig ng termino ng mga nasa posisyon.

Matapos ang ilang buwang bangayan ng Kamara at Senado sa naturang isyu, ay nahimok ang mataas na kapulungan na pag-usapan na rin ang version nitong RBH6 na plano bago mag- eleksyon para magkaplebisito tungkol dito.

Sa naganap na deliberation ng Committee on the Whole House ngayong Martes ay sinabi ni Azcuna na nabasa niya na ang RBH6 ng Senado at RBH7 ng Kamara, at napagkumpara niya na halos magkapareho ang nilalaman ng dalawang resolusyon maliban sa kaunting pagkakaiba.Parehong nakatutok umano sa Article 17 section 12,14, at 16 ng 1987 Constitution kung saan ang restrictive economic provisions na paluluwagin anya ay sasaklaw sa public utilities, education, at advertising lang, at wala siyang nakitang nailagay na political provisions na ikinababahala ng iba at ito na aniya ang safeguard nito.

“So as long it is only RBH6 of the senate and RBH7 of the House are the ones proposed and approved,then it will only be on the economic provisions and even then only on articles 12,14,and 16,”pahayag ni Azcuna.

Iginiit ni Azcuna na ang katagang “unless otherwise provided by law” na maaaring ipanukala ng Kongreso sa Cha-cha tulad ng pagpasa ng isang regular na batas at raratipikan sa plebisito ay magkakaroon na aniya ng kaluwagan sa paggawa ng mga batas na magtatanggal sa restrictive economic provisions. At bagamat posibleng taasan ang porsiyento ng pagmamay ari ng mga dayuhan sa public utilities, education, at advertising na nakasaad sa RBH6 and RBH7 article 17 section 12,14 at 16, maaari umanong sagarin nito ang 51 porsiyento ay pagmamay ari pa rin ng mga Pilipino at 49 naman sa mga dayuhan na ikinasiya na umano sa Spain ng mga foreign investors, upang makatiyak na ang ekonomiya ay kontrolado pa rin ng mga Pilipino na tinawag niyang “nationalistic” na paningin sa batas.Ang article 17 ay bahagi ng probisyon sa Saligang Batas na may kinalaman sa usapin ng soberanya. Hindi rin aniya tama ang ipinanukala ng Senado sa RBH6 na naglagay ng basic education sa Constitution na maaaring maging pagmamay ari ng mga dayuhan sapagkat pwede lamang anya ito i-define sa isang simpleng batas lamang.Ma. Luisa Macabuhay-Garcia