ISABELA – NANLUMO si dating Governor Maria Cielo Grace Padaca sa hatol na guilty ng Sandiganbayan sa kanyang kasong graft at malversation of public funds na isinampa laban sa kanya ng Ombudsman.
Sampu hanggang 14 na taong pagkakabilanggo ang naging hatol kay Padaca kung saan napatunayan ang kasong pagpapautang umano ng pamahalaang panlalawigan noong panahon ng kayang panunungkulan taong 2006 ng P25 milyon sa Economic Development for Western Isabela at Northern Luzon Foundation, Incoporated (EDWINLFI).
Sa panig ng mga prosecutor, kinuwestiyon ng mga ito na ang naging kabiguan ng mga akusado na magsagawa ng public bidding at kawalan umano ng provision sa kontrata para sa safeguards ng malaking halaga na ipinagkatiwala sa foundation para ipautang sa mga magsasaka ng Isabela.
Nagsampa rin ng kaso sa Ombudsman si yumaong dating Isabela Vice Governor Santiago Respicio, sa mga kapanalig umano ni Padaca na sina dating Vice Mayor Servando Soriano ng Roxas, Isabela, dating Provincila Legal Officer Johnas Lamorena na kapwa sumakabilang na at isang nagngangalang Dionisio Pine.
Sa panig naman ni Padaca, nanindigan siya na wala umano siyang kinulimbat mula sa P25 milyon kundi ang pangunahing layunin ng isinulong niyang programa ng pagpapautang ay ang matulungan lamang niya ang mga maliliit na magsasakang ng Isabela. IRENE GONZALES
Comments are closed.