ISABELA FISHPOND OWNERS NAG-REPORT NG FISH KILL DAHIL SA TAGTUYOT

NAKAAMBA ang pagkalugi ng tilapia fishpond owners sa nai-report na fish kill at malamang na mawalan ng  PHP200,000 halaga ng posibleng kita sa Ilagan, Isabela at sa tatlo pang bayan ng Isabela, ayon sa isang opisyal ng agriculture kamakailan.

Sinabi ni Angelo Naui, Isabela Provincial Agriculturist, na nakatatanggap na sila ng report na ang tagtuyot ay nakaapekto na sa 1.15 ektaryang fish ponds sa Ilagan City at sa mga bayan ng Cabagan, Cordon, at Quirino.

“We hope that the losses will be minimal for the fish cage and fish pond operators,” pahayag ni Naui.

“The hot weather and low water level, both in fishpond and fish cage areas, speed up the decomposition process of organic matter and facilitate the release of harmful gases trapped in the pond or river bottom,” paliwanag ni Emerson Tattao, aqua­culturist of the Bureau of Fisheries and Aquatic Resources-Cagayan Valley sa dahilan ng  fish kill.

“The high temperature followed by sudden downpour in the afternoon also causes a highly stressful condition which can lead to mortality. The same can also cause an ‘overturn’ — a condition wherein cool and dense water rush to the bottom ,causing poorly oxygenated and turbid water to rise, causing instant death on stocks,” dagdag niya.

Sinabi ng fish cage operator na si Leonarda Oblarte na natatakot sila na baka magpatuloy ang fish kill kapag nagpatuloy ang tagtuyot.

“We had been penniless and mired in loans due to our expenses in our fish cages. We pray that it will not last long,” sabi niya.                   PNA

Comments are closed.