ISABELA ISASAILALIM SA GCQ

ISABELA-NAKATAKDANG magpapalabas ng kautusan ang pamahalaang panlalawigang ito sa Lunes, Marso 29 kaugnay sa pagdedeklara ng ge­neral community quarantine (GCQ).

Batay sa pagpupulong ng mga kasapi ng Provincial Inter-Agency Task Force (PIATF) na nagkakapunuan na umano ang mga pagamutan sa Isabela dulot ng patuloy na paglobo ng kaso ng COVID-19.

Kabilang sa posibilidad ay pagbabalik umano sa GCQ ng lalawigan.

Ito umano ang kahilingan ng mga frontliner na pagod na sa pakikibaka sa nakamamatay na virus, lalo pa na marami ang mga pasaway at hindi sumusonod sa mga protocol at panunutunan ng pamahalaan.

Umaasa naman ang punong lalawigan na tatalima rin ang mga religious-sectors sa ipatutupad na GCQ at ang mga residente na sumunod sa mga health protocol na kanilang paiiralin. IRENE GONZALES

One thought on “ISABELA ISASAILALIM SA GCQ”

Comments are closed.