Gusto mong mag-explore sa kahanga-hangang siyudad ng Cebu pero isang araw lamang ang libre ka, ano ang gagawin? No worries. Kayang ikutin ang Cebu City sa loob lamang ng 24 hours. Take it from me, dahil sinubukan ko yan.
Pinagsamang millennia-old monuments, modern galleries at mga restaurants, mapapa-wow ka talaga dahil masasabi kong “it is something for everyone who visits.” Gusto mo ng marine perfection kung saan pwede kang magpaaraw sa buhanginan, o mamili sa palengke ng danggit, maniwala ka, abot-kamay lang.
Pero dahil Bantayan Island ang usapan dito, tawid tayo sa isla.
Bahagi ito ng Cebu province na isang tropical paradise na napakagaganda ng beaches, super-linaw na tubig, at relaxed atmosphere. Mas magandang pumasyal dito kung summer, pero dahil napadaan lang ako sa Cebu dahil sa trabaho, isang araw lang talaga ang extra rest ko.
Before I forget, huwag kalimutang magsimba sa Basilica de Santo Niño de Cebu kung Katoliko ka. Dito matatagpuan ang pinakamatandang imahe ng Santo Niño, na 12 inches lamang ang taas. Inukit ito sa itim na kahoy at pinaniniwalaang pumuprotekta sa mga Filipino mula pa nang dalhin ito sa Pilipinas ni Ferdinand Magellan noong 1521.
Balik tayo sa Bantayan.
Napaka-underrated ng islang ito dahil hindi masyadong kilala tulad ng Boracay. Forget the sandy white beaches. Tikman na lang natin ang loko-Loko (Buriring) na sila lang yata ang pwedeng magluto. May lason kasi ang butete (pufferfish). Pero sa Bantayan Island, mabibili ito ito sa karinderya — sa tradisyunal na preparation.
Nagbayad nga pala ako ng P70 para nakapasok sa Paradise Beach. Dapat daw, P50 lang, pero may environmental fee na P20 kaya naging P70. Pwede na dahil libre ang umbrella kiosk, CR at shower room. Ang maganda pa, walang gaanong tao kaya napakatahimik ng paligid. Wala kang maririnig kundi lagaslas ng alon.
Sinimulan ko ang araw sa pagkakakad sa pasigan, tapos, nag-almusal ako ng puto na binili ko sa nagdaang tindero.
May maliliit ding bilihan ng souvenirs kaya bumili ako ng T-shirt. At may mga karinderya nga, kung saan ako kumain. Pero kung sosy kayo, may restaurants din naman — mas gusto ko lang talaga kasi sa karinderya.
Napansin kong maraming mangingisda. Meron din silang seaweed farming, na ayon sa kanila ay karaniwang ikinabubuhay ng mga tao, dahil maganda ang kita at madali pang gawin.
Mas mura nga pala ang danggit sa Bantayan kesa Cebu City. P400 per kilo lang sa kanila pero sa Cebu, P600.
Hinikayat nga pala ako ng bangkero (nag-island hopping kasi ako) na bisitahin ang German Ruin and Cliff na dinarayo raw sa Bantayan Island. Late 90s daw nang may isang lalaking German ang nagpatayo ng isang napakalaki at napakagandang bahay dito ngunit iniwan din ito matapos ang ilang taon sa hindi malinaw na dahilan. Napabayaan ito ay naging katatakutan. E mahilig ako sa horror kaya binisita ko nga.
Isang araw na puno ng impormasyon at adventure ang naranasan ko sa Bantayan island. Kung hindi lamang ako nagmamadali, kahit isang linggo ako dito, hindi ako magsasawa.
JAYZL NEBRE