ISANG BAYAN SA PANGASINAN NASA STATE OF CALAMITY DAHIL SA ASF

ASF

NAGDEKLARA ang municipal government ng Malasiqui, Pangasinan ng state of calamity ka­makailan dahil sa epekto ng African swine fever (ASF).

Sa isang panayam, sinabi ni Mayor Noel Anthony Geslani na ang deklarasyon ay magbibigay ng tsansa sa municipal government na gamitin ang ca-lamity fund para makatulong sa backyard hog raisers na ang mga baboy ay naihiwalay na at pinatay bilang bahagi ng protocol laban sa ASF, ganundin ang pagsuporta sa operational costs para mapigilan ang ASF virus.

May 678 baboy mula sa dalawang barangay ang naihiwalay hangganga nitong Huwebes, ayon sa Department of Agriculture (DA) Ilocos regional office.

Sa Barangay Apaya, kung saan ang unang kaso ng positibong kaso ng ASF sa mga bayan ay kumpirmado, may 395 baboy ang naihiwalay at 283 baboy sa kanilang kalapit barangay, Polong Norte.

“The number of hog raisers affected will still increase as culling operations continue in the different barangays within the one-kilometer radius, while blood sampling is also being done in barangays within the seven-kilometer radius,” sabi niya.

Dagdag pa niya na na nagmo-monitor sila kasama ang DA ng ilang baboy sa Barangay Mabolitek, na malapit sa Cabeldatan Basista town, kung saan ang ilang baboy ay napatunayang positibo sa ASF.

“We are still to identify the amount of indemnification for the affected hog raisers as their number continues to increase,” sabi niya.

Umapela si Geslani sa traders sa mga bayan para sumunod sa lockdown at ang protocol na ipinatupad ng municipal government para mapigilan ang pagkalat ng virus.

“We understand that this (hog raising or trading) is their bread and butter, but we need to do what is asked of us according to the rules,” aniya.

Mayroong hog raisers na ayaw sumunod at umiiyak sa mga paghihiwalay na ginagawa ng awtoridad.

Samantala, panandaliang nahinto ang operasyon ng katayan sa bayan at ang disinfection na ipinatupad para sa pagpigil ng ASF virus.

“We have a responsibility in order not to spread the virus further as this has long-term effects on everybody. Although it is our human nature to feel emotional over this matter, we cannot do otherwise but to honor the protocol,” sabi ni Geslani.

Siniguro ng municipal government at ng DA na magbibigay ng tulong sa mga apektadong hog raisers.

Nauna rito, idineklara ang Binmaley na nasa state of calamity dahil sa ASF. PNA

Comments are closed.