NAGPALABAS ng executive order ang lokal na pamahalaan ng Silago, Southern Leyte na nagdedeklara ng isang buwang holiday sa baboy sa 11 sa 15 barangay nito dahil sa African swine fever (ASF).
“There is an emergency situation, and we must protect the hog industry in our town from this dreaded swine disease. The ASF has already reached and affected most of our villages,” sabi ni Mayor Lemuel Honor.
Apektado ng direktiba ang mga barangay ng Katipunan, Imelda, Hingatungan, Salvacion, Laguma, Tuba-on, Tubod, Poblacion District 1, Poblacion District 2, Puntana at bahagi ng Sudmon. Ang mga komunidad na ito ay may mga kaso ng ASF na patuloy na binabantayan ng Municipal Agriculture Office.
Ipinagbabawal din ang pagpasok at paglabas ng mga buhay na baboy mula sa mga apektadong lugar mula sa idineklarang bahagi ng panahon o hanggang sa oras na inirekomenda ng Municipal Agriculture Office ang pagtanggal ng pork holiday.
Naglagay ang lokal na pamahalaan ng mga checkpoint para ipatupad ang direktiba ng alkalde.
Noong 2021, ang bayan ng Silago ay kabilang sa mga local government unit sa Eastern Visayas na may kumpirmadong ASF outbreak, ayon sa Department of Agriculture.
EVELYN GARCIA