ISANG dekada na ang nakalipas ngunit hanggang ngayon ay hindi pa nakakamit ang inaasam-asam na hustisya ng 58 katao na brutal na pinatay, kabilang na ang 32 mga mamamahayag, sa Sitio Masalay, Brgy Salman, Ampatuan, Maguindanao noong Nobyembre 23, 2009.
Sampung taon na mula nang maganap ang karumal-dumal na Maguindanao massacre na naglagay sa Filipinas sa mapa ng mun-do bilang isa sa pinakapeligrosong lugar para sa mga journalist, ay hustisya pa rin ang sigaw ng mga mamamahayag at mga pami-lya ng nasawing miyembro ng media.
Halos lahat ng sektor ng lipunan kabilang ang Commission on Human Rights (CHR) ay nanawagan na mabigyan ng hustisya ang mga biktima ng karumal-dumal na krimen.
Ayon sa CHR, hindi pa rin napapanagot ang mga responsable sa marahas na krimen ata hindi matatawaran ang mahabang panahong paghihintay ng pamilya ng mga biktima.
Umaasa ang iba’t ibang oraganisasyon ng media katulad ng Foreign Correspondent Association of the Philippines at Defense Press Corps of the Philippines na maglabas na ng desisyon ang Korte Suprema para mapatawan ng kaparusahan ang may 198 aku-sado sa karumal-dumal na krimen.
Nagkaisa ang Focap at DPC sa paninindigan na “Journalism is not a crime”.
“After a decade of prosecution and trial, a court decision is expected on the gruesome Ampatuan massacre case next month. The Foreign Correspondents Association of the Philippines renews its call for a closure that will bring all perpetrators, especially the masterminds, to justice. No other outcome is acceptable. Not one more day of delay can be justified,” pahayag din ng DPC.
Pinangunahan kahapon ni Maguindanao 2nd District Congressman Esmael ‘Toto’ Mangudadatu kasama sina Secretary Martin Andanar ng PCOO at Presidential Task Force on Media Security Executive Director Undersecretary Joel Egco. ang paggunita ng ika-10 anibersaryo ng masaker.
Kabilang sa mga pinaslang ang asawa ni Mangudadatu, kaibigan at mga kamag-anak na inilibing gamit ang backhoe.
Umaasa si Mangudadatu na sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ay makamit na nila ang totoong hustisya sa mala-gim na kasaysayan ng eleksiyon sa bansa. VERLIN RUIZ
Comments are closed.