(Pagpapatuloy…)
Ang mga akda ng mga Pilipinong manunulat, artista, at mga manlilikha ay maaari ring i-donate sa Bookshare®. Sinisiguro ng Bookshare® na dumadaan sa masusing proseso ang mga nag-a-apply na maging miyembro nila para masigurong kwalipikado silang tumanggap ng mga benepisyo, kabilang na ang access sa ebook library.
Kaya’t kung ikaw ay manlilikha o isang publisher na nais mag-donate ng mga aklat sa ebook library ng Bookshare® o kung ikaw naman ay may tinatawag na reading barrier at nais maging miyembro ng organisasyon upang maka-access sa mga ebooks na nasa library, maaaring kontakin ang Bookshare® sa pamamagitan ng kanilang FB page: https://www.facebook.com/bookshare
Ayon sa World Health Organization, tinatayang nasa 285 milyong tao sa mundo ang may kapansanan sa paningin, nasa 90% sa kanila ay matatagpuan sa mga developing countries. Mas mataas pa umano ang bilang ng mga taong may dyslexia at iba pang language-based learning disability kaya’t mahirap para sa kanila ang magbasa ng nakalimbag na teksto.
Ayon naman sa ulat ng UNESCO, kung ang mga estudyante umano mula sa mga mahihirap na bansa ay lalabas ng paaralan na marunong nang magbasa, nasa 171 milyong tao ang maiaalis sa kahirapan. Ito ay katumbas ng 12% kabawasan sa kahirapan ng mundo.
Ito ang dahilan kung bakit napakahalaga ng pagbabasa. Ipinapakita rin nito ang kahalagahan ng gawain ng Bookshare®. Ang mga manlilikha at manlilimbag ng mga aklat at babasahin ay maaaring maging bahagi ng malawakang inisyatibang ito sa pamamagitan ng pagdo-donate ng kanilang mga gawa o akda sa Bookshare®.