ISANG KARANGALAN AT PRIBILEHIYO

MAAARI  lamang nating hulaan kung gaano kahirap para kay Noynoy Aquino ang lumaki sa tahanan ng mga Aquino. Siya ang panganay ng kanyang magulang na parehong prominenteng personalidad, at ang kanyang nakababatang mga kapatid ay puro babae—siguradong pinilit niyang magawa ang responsibilidad ng kanyang ama tuwing ito ay nasa malayo. Noong mismong oras na pinatay si Ninoy, nabasa kong may inaasikaso si Noynoy. Kailangan niyang ituloy ang pag-asikaso sa mga praktikal na bagay na kailangang magawa. Halos walang puwang upang maging sentimental. Lumaki siyang praktikal, responsable at maaasahan. Naging maayos ang pagpapalaki sa kanya ng kanyang mga magulang.

Ang kanyang ina naman, ang dating pangulo ng Pilipinas na si Cory Aquino, ay pinatapang din ng kanilang sitwasyon sa pamilya. Kinailangan niyang maging matatag lalo na noong nakulong si Ninoy.

Kinailangan niyang arugain ang kanyang mga anak at ipakita sa kanila at sa mga taong nakapaligid sa kanila na siya ay malakas. Bilang lider ng bansa, hinimok din niya ang mga Pilipino upang patuloy na umasa at lumaban upang magkaroon ng mas magandang bukas pagkatapos ng madilim na yugto sa kasaysayan ng Pilipinas.

Kapwa sila nagpakita ng katapangan at diginidad bilang lider ng ating bansa. Kaya ngayon, habang ating ginugunita ang ika-12 anibersaryo ng pagkamatay ni presidente Cory sa unang araw ng Agosto, at ang ika-40 araw naman mula nang pumanaw si presidente Noynoy noong ika-24 ng Hunyo, nais nating magbigay pugay sa kanila at magpasalamat para sa mga sakripisyo nila at kanilang mahusay na pamumuno. Nais nating ipakita ang ating respeto at pagtangkilik sa lahat ng kanilang inialay, ginawa, ibinigay sa bansa at sa mga Pilipino.

Sa araw na ito ay iniaalay natin ang ating panalangin para sa kapayapaan at katahimikan ng kanilang kaluluwa, at para na rin sa paggabay sa ating bansa at mga kasalukuyang pinuno. Ang ating panalangin ngayon para sa mga dating pangulong Cory Aquino at Noynoy Aquino–nawa ay maging kaisa sila ng Diyos sa kabilang buhay.
(Itutuloy…)

93 thoughts on “ISANG KARANGALAN AT PRIBILEHIYO”

  1. 987451 355797Thank you for every other informative web site. Where else could I get that type of info written in such a perfect means? Ive a mission that Im just now operating on, and Ive been at the look out for such information. 43080

  2. 868411 671439We stumbled over here coming from a different web page and thought I may check items out. I like what I see so now im following you. Appear forward to exploring your web page but once more. 438398

Comments are closed.