(Isang linggo matapos ang eleksiyon) WALANG PAGTAAS SA KASO NG COVID-19

WALANG dagdag na kaso ng COVID-19 o clustering of cases na na-monitor ang OCTA Research Group, isang linggo makalipas ang 2022 National and Local Elections.

Ito ayon kay Professor Guido David, Fellow ng OCTA Research bagamat mayroong mga maliliit na pagsirit ng impeksiyon na nawala rin naman.

Sinabi ni David na wala pang maituturing na sustained increase ng COVID-19 mula sa mga naganap na campaign rallies na nagsimula noong Pebrero.

Wala pa aniya silang naoobserbahang clustering of cases ng COVID-19 bagama’t may mga nagsasabing maghintay ng dalawang linggo para malaman kung may epekto nga ba ang campaign period sa kaso ng COVID-19. DWIZ882