(Isang linggong iaalok sa Kadiwa sa DA central office) MURANG BIGAS, GULAY, PRUTAS

NAGBUKAS kahapon ang Kadiwa sa loob mismo ng tanggapan ng Department of Agriculture, Central Office sa Quezon City.

Isang linggong iaalok ang mga murang gulay, prutas, bigas at iba pang bilihin sa mga kawani ng DA bilang bahagi ng anibersaryo ng DA Employees Association.

Kabilang sa mabibili sa Kadiwa store sa DA ang iba’t ibang lowland at highland vegetables na ibebenta sa murang halaga lamang.

Sa stall ng Agripreneur Farmers and Producers Association, ilan sa mabibili ang mga sumusunod:

  • Sitaw – P85 kada kilo
  • Patola – P80 kada kilo
  • Upo – P35 kada kilo
  • Native Kalabasa – P60 kada kilo
  • Kamote -P50 kada kilo
  • Puso ng Saging -P35 kada kilo
  • Talong -P60 kada kilo
  • Ampalaya -P80 kada kilo
  • Siling panigang – P60 kada kilo
  • Pulang sibuyas -P70 kada kilo
  • Kamatis -P70 kada kilo

Sa stall naman ng highland vegetables, mabibili ang mga sumusunod:

  • Carrots -P75 kada kilo
  • Patatas – P85 kada kilo
  • Lettuce -P80 kada kilo
  • Repolyo -P35 kada kilo
  • Cauliflower -P80 kada kilo
  • Pechay baguio -P35 kada kilo
  • Bell pepper -P80 kada kilo

Bukod sa gulay, may available ding prutas, bigas at iba pang locally produced goods.

Kahapon, Lunes, mayroon ding bukas na Kadiwa store sa Mandaluyong City, Parañaque, Las Piñas, at Caloocan City.

PAULA ANTOLIN