ISANG MALAKING PASAWAY NGAYONG PANAHON NG PANDEMYA

JOE_S_TAKE

KUNG may isang bagay na hindi kailangan ngayong panahon ng pandemya, ito ay ang mga pasaway. Ang pinakamalaking tulong na maaaring ibigay ng mga indibidwal at negosyo na walang aktibong partisipasyon sa laban kontra COVID-19 ay ang makiisa at sumunod sa mga alituntuning ipinatutupad upang makontrol ang pagkalat ng virus. Kung walang maitutulong, huwag na ring dumagdag sa problema. Sa kasamaang-palad, ito ang isang bagay na tila ipinagwalang-bahala ng isang pampublikong resort sa lungsod ng Caloocan nang magdesisyon itong magpatuloy ng operasyon sa kabila ng ipinatutupad na Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Kumalat ang isang litrato online noong ika-9 ng Mayo, Araw ng mga Ina, kung saan makikita na halos puno ng tao ang isang resort sa lungsod ng Caloocan. Ang resort ay natukoy sa pangalang Gubat de Ciudad resort sa Barangay 171 ng nabanggit na lungsod. Ito ay isang malinaw na paglabag sa ipinatutupad na alituntunin ng Inter-Agency Task Force (IATF) ngayong MECQ.

Sa ilalim ng IATF guidelines, ang mga resort at katulad na pasilidad ay maaari lamang magbukas sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) at MGCQ. Bilang parusa sa naturang paglabag, iniutos ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan ang pagpapasara sa Gubat de Ciudad. Bukod sa pagpapasara sa naturang resort, iniutos din ni Malapitan ang pagsasampa ng kaso sa pamunuan ng Gubat de Ciudad at sa lahat ng nagpunta rito.

Bukod sa pagpapasara sa nasabing resort at sa pagsasampa ng kaso laban sa pamunuan nito, iniutos din ni Malapitan ang pagkakansela ng business permit ng Gubat de Ciudad. Tila sa kagustuhan nitong makabawi sa kita ngayong panahon ng pandemya ay lalo pa itong napasama. Nakalulungkot man ang balitang ito para sa naturang resort, nakagagaan naman din sa kaloobang malaman na ang usaping ito ay agarang inaksiyunan ng lokal na pamahalaan.

Hindi biro ang ating kinakaharap na krisis pangkalusugan. Bagaman maituturing na isang mahalagang okasyon ang paggunita sa kahalagahan ng mga ina, ito ay hindi nangangahulugan na maaaring palampasin ang ginawang paglabag ng pamunuan ng resort at ng mga tumang-kilik dito sa ilalim ng MECQ. Malayo pa sa pagtatapos ang ating laban kontra COVID-19. Bagaman nagsimula nang bumaba ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 kada araw, hindi ito sapat na dahilan upang tayo ay makampante. Hindi tayo dapat magpabaya. Bagkus ay dapat mas paigtingin ang pagsunod sa mga alituntunin upang magtuloy-tuloy ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ginagawa ng pamahalaan ang lahat para makakuha ng sapat na bilang ng bakuna para sa lahat ng Filipinong kwalipikadong makakuha nito. Noong nakaraang linggo ay napabalita ang pakikipag-ugnayan ng pamahalaan sa Israel at US sa pag-asang ibibigay ng nasabing mga

bansa ang mga sobrang bakuna nito sa Filipinas. Ayon kay vaccine czar Carlito Galvez, Jr., noong ika-28 ng Abril ay nagpadala ng sulat si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III sa Washington at sa Israel. Bilyon na rin ang nagagastos ng bansa sa laban kontra COVID-19. Maging ang pribadong sektor ay aktibong sumusuporta sa laban ng bansa kontra COVID-19 kaya ang mga ganitong uri ng paglabag ay maaaring maging dahilan upang masayang at mabale wala ang pagsusumikap ng bawat isa.

Maraming negosyo at indibidwal ang lubhang naapektuhan ng pandemyang COVID-19. Maraming negosyo ang kung hindi tuluyang nag-sara ay nasa bingit ng pagkalugi. Marami rin ang nawalan ng trabaho. Ayon sa huling datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong nakaraang linggo, 3.44 milyong Filipino o 7.1% ang kasalukuyang walang trabaho. Bagaman bumaba na ang antas nito kumpara noong mga buwan ng Enero at Pebrero na kapwa nasa higit 8%, nananatiling mataas ang nasabing bilang. Ang anumang uri ng paglabag sa ali-tuntunin ng IATF ay maaaring maging dahilan upang muling tumaas ang nasabing bilang.

Ayon sa datos ng DOH noong ika-9 ng Mayo, ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa ay umabot na sa 1,101,990. 61,294 sa mga ito o 5.6% ang naitalang aktibong kaso. Ang bilang naman ng mga nasawi ay nadagdagan ng 204 kaya ito ay umangat sa bilang na 18,472.

Hindi ito ang tamang panahon upang maging pasaway. Hindi rin ito ang tamang panahon upang sarili lamang ng isipin. Kailangang suriing mabuti ang maaaring maging epekto ng bawat desisyon. Sa dami ng pumunta at tumangkilik sa pagpapatuloy ng operasyon ng Gubat de Ciudad sa kabila ng MECQ, mas mainam at mas ligtas kung iisipin na maaaring mayroong positibo sa mga taong pumunta sa resort. Upang makasiguro ukol sa kaligtasan at kalusugan ng mga ito, iniutos ni Malapitan ang pagsasagawa ng malawakang contact tracing at isasailalim sa RT-PCR testing ang lahat ng pumunta sa resort.

Nawa’y maging aral sa lahat ang nangyaring ito. Ang pagkakaisa at pakikipagtulungan sa pamahalaan at sa mga aktibong katuwang nito sa laban kontra COVID-19 ay lubhang mahalaga upang mapagtagumpayan ang krisis na ito.

Ang mga ganitong uri ng paglabag ay hindi dapat palampasin dahil ito ay balakid sa pagbuti ng ating sitwasyon. Kung may mapag-alamang lumalabag sa alituntuning ­ipinatutupad ng IATF, huwag itong kunsintihin. Ito ay ­dapat isumbong sa kinauukulan upang mabigyan ng karampatang parusa ang mga pasaway na sumasabotahe sa pagsusumikap ng pamahalaan, pribadong sektor, at mga frontliner sa bansa. Maging bahagi tayo ng solusyon, hindi ng problema.

96 thoughts on “ISANG MALAKING PASAWAY NGAYONG PANAHON NG PANDEMYA”

  1. Learn about the side effects, dosages, and interactions. Get information now.
    https://stromectolst.com/# purchase oral ivermectin
    Prescription Drug Information, Interactions & Side. Comprehensive side effect and adverse reaction information.

  2. drug information and news for professionals and consumers. п»їMedicament prescribing information.
    https://stromectolst.com/# cost of ivermectin
    Comprehensive side effect and adverse reaction information. Everything information about medication.

  3. Commonly Used Drugs Charts. Get information now.
    https://nexium.top/# cost of nexium without prescription
    Learn about the side effects, dosages, and interactions. Everything about medicine.

  4. Prescription Drug Information, Interactions & Side. Top 100 Searched Drugs.
    https://nexium.top/# where to get generic nexium pills
    earch our drug database. Prescription Drug Information, Interactions & Side.

  5. Comprehensive side effect and adverse reaction information. Everything about medicine.
    https://mobic.store/# how can i get generic mobic without prescription
    Definitive journal of drugs and therapeutics. Comprehensive side effect and adverse reaction information.

  6. Some trends of drugs. п»їMedicament prescribing information.
    https://amoxila.store/ generic amoxicillin over the counter
    Read information now. Comprehensive side effect and adverse reaction information.

Comments are closed.