ISANG MILYONG PUNO TARGET NA ITANIM

PARA MAKATULONG sa kalikasan at sa tree planting program ng pamahalaan ay target ng Philippine Army na makapagtanim ng hanggang isang milyong puno sa Pilipinas.

Ayon kay Philippine Army Spokesperson Col Xerxes Trinidad, nakipag-ugnayan sila sa Department of Agriculture, iba pang ahensiya ng pamahalaan, at pribadong sektor para sa nasabing proyekto na bahagi rin ng kanilang programa kaugnay sa kanilang ika -126 anibersaryo.

Pinasimulan kamakailan ng Hukbong Katihan ang kanilang makakalikasang proyekto na makapagtanim ng isang milyong puno hanggang 2028.

Pahayag ni Col Trinidad, magtatanim sila ng 126 halaman sa lahat ng kampo ng mga major units ng Philippine Army sa buong bansa bilang bahagi ng selebrasyon ng ika-126 taon ng Philippine Army.

Hudyat ito para pasimulan naman ng pagtatanim ng ibat ibang halaman at fruit bearing trees sa mga kalapit na komunidad at ahensiya sa layuning makamit ang target.

“Ito pong project natin is just a launching and at the onset of rainy season, we will continue planting until we reach 1 million fruit-bearing trees,” pahayag naman ni Col. Victor Llapitan, assistant chief of assistant for civil-military operation.

Samantala, ambag din umano ito ng Hukbong Katihan sa mga programa ng gobyerno hinggil sa kahalagahang na maprotektahan ang kapaligiran, kasabay ng pagtiyak ng food security, ani Army chief of staff Gen. Potenciano Camba.

“There is no place like home therefore we must safeguard, protect, and preserve our environment to make it a better home and a better place. We shall continue to have this inspiration of serving our people by protecting and preserving our environment,” dagdag pa ni Camba. VERLIN RUIZ