ISANG PAGPUPUGAY PARA SA ISANG KAPATID SA SAMAHAN

Ang maybahay ni Dr. Nemenzo na si Princess Nemenzo, kasama sina Fr. Robert Reyes, kapamilya at kaibigan. Kuha ni Bernard Testa.

Bago matapos ang taon, isang paggunita sa ika-128 taong komemorasyon sa Araw ni Dr. Jose Rizal, ito ay pina­ngunahan ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. noong ika-30 ng Disyembre 2024.

Kasabay rin nito ang huling lamay at pagbibigay galang kay Dr. Francisco “Dodong” Nemenzo, Jr., isang makabayan, tagapagturo, aktibista, siyentipikong pampulitika at nagsilbing Pangulo ng Pamantasan ng Pilipinas.

Ang pari na nagsagawa ng seremonya at nagbigay ng homilya sa misa para kay Dr. Nemenzo ay walang iba kung hindi si Fr. Robert Reyes sa GT-Toyota Asian Center Auditorium na dinaluhan ng mga nakiramay na mi­yembro ng pamilya, mga kaibigan, nakasamang mga kawani ng pamahalaan, manggagawang pangkalinangan at mga bumubuo ng akademya.

Si Rebecca “Becky” Demetillo ay umawit ng “Awit ng Kapayapaan” sa saliw ng tambol at ibang instrumento mula sa Kontra-Gapi na pinangungunahan ni Edru Abraham at ibang manggagawang pangkalinangan.

Sa huling araw ng pagpupugay, kasamang dumalo rin sina dating Pangalawang Pangulo Jejomar Binay at dating bahay ng mga kinatawan na si Erin Tanada.

Nagbigay ng elohiyo sina Emil Aguinaldo at Robert Sombillo, kasama sa walong nagtatag ng Pi Sigma Fraternity noong ika-15 ng Agosto 1972. Kasama si Ka Dodong noong panahong nilabanan ang diktadurya at isa rin sa naikulong sa panahon ng Batas Militar.

Nang nakalaya si Dr. Nemenzo, siya ay bumalik sa pagtuturo at naging Dekano ng Sining at Agham sa Pamantasan ng Pilipinas, ang kanilang Pi Sigma Fraternity ay nakapagbuo ng ‘tambayan’ sa labas ng auditorium ng Sining at Agham sa Palma Hall.

Si Dr. Nemenzo ang nagsilbing ‘Fraternity Adviser’ kung kaya’t nagsilbing kapatid ng lahat ng kasapi hanggang ang walong  ‘founders’ ay naging libong kasapi na nagsilbi para sa kapatiran. Siya ay nanatiling inspirasyon at pinagmulan ng lakas ng ‘founders’ at ‘pioneers’ ng Pi Sigma Fraternity.

Sa ginawang pagpupugay ng Pi Sigma Fraternity, nagpasalamat at nagbigay pagkilala naman ang maybahay na si Gng. Ana Maria ‘Princess’ Nemenzo, kasama ang kanilang mga anak na sina Dr. Fidel Nemenzo, dating Chancellor ng Pamantasan ng Pilipinas, Leonid Nemenzo, Lian Nemenzo-Hernandez, kasama ang ibang kapa­milya.

RIZA ZUNIGA