(Ni CRIS GALIT)
ITO na ang ikalawang taon natin na magdiriwang ng kapanganakan ni Jesus na nasa pandemya ang daigdig. Kaya naman marami sa atin ang nasasabik ng magdiwang kasama ang ating mga mahal sa buhay nang sama-sama, subalit, dapat pa rin nating isaalang-alang ang kaligtasan ng lahat.
Kahit pa sabihin nating bahagya nang bumababa ang bilang ng mga nagkakasakit ng Covid-19 dahil marami na ang nabakunahan at mayroon pang booster shot – ayon na rin sa datos ng Department of Health (DOH) – hindi pa rin tayo dapat maging kampante at ipagsawalang-bahala ang naturang virus.
Nariyan na ang Covid-19 at patuloy pang nagkakaroon ng iba’t ibang variant na siyang pinagtutuunan ng pansin ng mga eksperto para labanan ito at hindi na makapanghawa pa at maging global pandemic muli.
Pero huwag pakakaiisipin na sadyang hinahadlangan ang kaligayahan nating ipagdiwang ang Pasko – mag-celebrate pa rin tayo ngunit sundin lamang ang mga health protocol – magsaya pa rin tayo dahil sa muling pagsilang ni Jesus, lagi Niyang dala ang diwa ng Pasko – ang pagmamahalan at bagong pag-asa.
Kung hindi pa rin komportable sa mga physical gatherings o parties, marami pa rin namang pamamaraan para ipagdiwang ang Pasko. Narito ang ilan sa mga ito:
1. Kung natatakot pa rin sa dami ng tao sa shopping centers, madali nang bumili online – shop at the comfort of your home, ‘ika nga – bisitahin lang ang ShopSM: the SM Online Shopping in the Philippines at makikita mo doon ang lahat ng ibinebenta sa physical store ng SM Malls. Bukod sa puwedeng umorder online, maipapadeliver mo pa ito sa kung saan mo ito gustong dalhin. At, nariyan din ang iba pang online shopping centers.
2. Dahil likas na sa atin ang magbigay sa mga higit nangangailangan, maghanda ng pagkain o regalo at ipa-deliver sa mga maysakit, matatanda o sa mga batang nangangailangan ng kalinga. Maaaring ikaw na mismo ang mag-abot pero sundin lang minimum health protocol – social distancing at laging pagsusuot ng face mask.
3. Hindi naman kailangan na magarbo o mamahalin ang regalo – ang importante, ay naipadadama natin ang ating pagmamahal kahit pa sa simpleng bagay.
4. Samantalahin ang paggamit ng teknolohiya. Sa panahon ngayon, kahit nasa kabilang dako ka pa ng mundo, maaari na nating silang makasama sa pamamagitan lamang ng teknolohiya. Nariyan ang Zoom, FB Messenger at ibang video-calling applications na real-time nating makakasama habang nagsi-celebrate ng Pasko.
5. Magpasalamat sa Panginoon at sa mga biyayang natamo. Ano pa man ang pinagdaanan natin nitong mga nakalipas na araw, kahit pa ito ay sobrang hirap para sa atin, dapat pa rin tayong magpasalamat.
6. Ipagdasal ang mga mahal sa buhay – kasama na rito ang mga kaibigan, kamag-anak at lalo na iyong nagdurusa dahil sa pandemya at iba pang dahilan ng kanilang dinaranas ngayon.
7. Magpadala ng mensahe sa mga kaibigan o kakilala. Kumustahin sila at batiin ng Maligayang Pasko.
8. Maghanda ng masusustansyang pagkain. Sa panahon ngayon, isa sa panlaban sa Covid-19 at iba pang sakit ang pagkain ng healthy foods at samahan na rin ng pag-i-ehersisyo.
Hindi dapat maging hadlang ang pandemya o anumang dinaranas natin sa buhay para maging masaya. Kahit digital ang Pasko, ito pa rin ay pagdiriwang ng bagong pag-asa, pagmamahalan at pagbibigayan.