(Isang uri ng diskriminasyon) PAGKAKASA NG BAKUNA BUBBLES

bakuna

MAHAHARAP sa usa­ping legal ang panukalang pagkakasa ng bakuna bubbles para ihiwalay ang mga fully vaccinated kontra COVID-19 mula sa mga hindi pa bakunado.

Ito ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra ay dahil pasok sa nasabing hakbangin ang isyu ng diskriminasyon.

Sinabi ni Guevarra na mayroong valid medical reasons ang ilang tao kaya’t hindi dapat mabakunahan kontra CO­VID-19.

Binigyang diin  ni Guevarra na ang panukalang pagkakaroon ng bakuna bubbles ay kaila­ngan para protektahan ang mga nabakunahan na gayundin ang mga hindi pa natuturukan, himukin ang mga hindi bakunado para magpabakuna na at makatulong na mapalakas ang ekonomiya ng bansa.

Ito aniya ay bagamat hindi pa available ang bakuna sa ilang lugar.

Samantala, sinabi ni General Restituto Padilla, spokesperson ng National Task Force against CO­VID-19 na kinakailangang maabot ang limang mil­yong pagbabakuna kada linggo para magamit ang lahat ng suplay ng bakuna kontra CO­VID-19.

Ayon ito kay  Padilla,  target ng vaccinations ay para sa herd immunity sa gitna ng mga reklamo na mabagal ang proseso ng pagbabakuna sa bansa.

Gayunman, sinabi ni Padilla na mas mabuti kung magagawa na  isang milyong pagbabakuna kada araw.

Inamin ni Padilla na kulang ng vaccinators sa ilang lugar dahil ang ilang health wor­kers ang ginamit muna sa CO­VID-19 res­ponse kasunod ng pagtaas pa ng kaso ng COVID-19 sa bansa. DWIZ882

81 thoughts on “(Isang uri ng diskriminasyon) PAGKAKASA NG BAKUNA BUBBLES”

  1. Its like you read my mind! You appear to know so much about this, like you wrote the book in it or something.
    I think that you could do with a few pics
    to drive the message home a little bit, but instead of that, this is excellent blog.

    A great read. I’ll certainly be back.

  2. 664733 599593You produced some decent points there. I looked on the net for any concern and discovered most individuals goes in addition to with all your site. 466140

Comments are closed.