NANAWAGAN kahapon ang pambatong senador ng administrasyon at dating MMDA Chairman Francis Tolentino sa Department of Information and Communications Techonology (DICT) na ipaalam sa publiko ang estado ng implementasyon ng libreng wifi internet access sa mga pampublikong lugar sa bansa.
Ayon kay Tolentino, umaasa ang publiko at kailangang tugunan ng gobyerno ang pangangailangan para sa mas malawak na access sa impormasyon, batay na rin sa itinatakda ng Republic Act No. 10929, na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Agosto 2017 na gumagarantiya sa pagsasakatuparan ng “Free Internet Access Program” sa buong bansa.
Itinatadhana ng batas ang pagkakaroon ng wifi internet access para sa publiko sa lahat ng tanggapan ng na-tional at local government, mga pampublikong eskuwelahan, ospital, health center at rural health unit, mga pam-publikong parke at pasyalan, aklatan, mga barangay reading centers, mga paliparan, pantalan at terminal pangtransportasyon.
“Lubhang kailangan ngayon ang internet. Pumapantay na ang pangangailangan dito sa tubig at koryente. Kaya nananawagan tayo sa DICT na maglabas ng kalatas tungkol sa implementasyon ng batas dalawang taon matapos malagdaan ng Pangulo ang Free Wifi Law,” ayon sa senatorial aspirant kasabay ng pagtukoy nito sa ulat ng Commission on Audit noong 2017 na nagsasabing napakababa ng naging performance ng DICT sa pagsasa-katuparan sa nasabing batas.
“Batid naman natin ang hamon sa kakayahan at teknikal na kasanayan ng DICT, ngunit narinig ko ang paha-yag ng mga opisyal nito na pagdating ng taong 2022 aabot sa 200,000 access points na ang ilulunsad – isa sa pin-akamalawak na free wifi access sa buong mundo.”
Ayon sa 2019 digital report ng Hootsuite at We Are Social, ang Filipinas na ang may pinakamahabang panahong iginugugol sa internet matapos na higitan nito ang bansang Thailand.
Noong 2018, ayon sa ulat, sumampa sa mahigit 10 oras ang itinatagal ng mga Filipino online mula sa dating siyam na oras at 29 minutos noong 2017.
Apat na oras at 12 minuto rito ay nakatuon sa paggamit ng mga Pinoy sa iba’t ibang social media platforms. Halos dalawang oras mahigit ito sa karaniwang iginugugol ng buong mundo.
”Batid natin sa datos at mga numero na sa online namamayagpag ang mga Filipino. Kaya sinasandalan natin ang pag-sasakatuparan ng DICT sa kanilang pangakong libreng internet para sa publiko. Kailangan nating itawid ang pangan-gailangang ito sa pamamagitan ng mabisa at mapagtugong mga programa de gobyerno,” dagdag ni Tolentino.
Comments are closed.