(Isasagawa sa Disyembre 15-17) SECOND ROUND NG NATIONAL VAX DAYS

MAGKAKASA  ang gobyerno ng second round ng tatlong araw na Vaccination Days sa Disyembre 15 hanggang Disyembre 17, 2021 upang makumpleto ang pagbabakuna sa 54 milyong Filipino.

Ito ay matapos na simulan ang unang round ng paglulunsad ng National Vaccination Days nitong Lunes.

Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglulunsad ng unang round ng National Vaccination Days: Bayanihan, Bakunahan 2021 sa Antipolo City, Rizal.

Ang Pangulo ay nagtungo sa SM City Masinag, kasama ang ilan pang opisyal ng gobyerno.

Target ng malawakang vaccination drive na mabakunahan ang siyam na milyong Pilipino mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1.