(Isasagawa sa Hunyo hanggang Nobyembre) VAX ROLLOUT SA ECONOMIC FRONTLINERS

bakuna

NAGDESISYON na ang National Task Force Against COVID-19 na pabakunahan na ang mga economic frontliner o bahagi ng A4 priority group ngayong buwan ng Hunyo hanggang Nobyembre ng kasalukuyang taon.

Inihayag ni Dr. Ted Herbosa sa ‘Laging Handa’ public briefing kahapon  na nais na ng Department of Health (DOH) na mabakunahan ang mga essential frontliner na kasama sa A4 subalit depende ito sa kanilang edad.

“We can’t finish (vaccinating) all of them in June. That will go all the way until November, so that will continue,” ayon kay Herbosa.

Tinaya ng pamahalaan na aabot sa 35.5 million workers sa ilalim ng A4 priority group ang mababakunahan simula ngayong buwan dahil maraming doses ng anti-COVID-19 vaccines ang parating sa bansa.

“And it’s important to have segmentation so that there will be no trouble,” paliwanag pa ni Herbosa.

Prayoridad ang edad 40-50 sa mga babakunahang economic frontliners dahil ang mga nasa nabanggit na edad ang kadalasang may  comorbidity at may tsansa na maging serious sakaling tamaan ng COVID-19.

Nanawagan naman ang opisyal na maging mahinahon dahil lahat naman ay mababakunahan kapag steady na ang supply ng CO­VID-19 vaccines. EVELYN QUIROZ

5 thoughts on “(Isasagawa sa Hunyo hanggang Nobyembre) VAX ROLLOUT SA ECONOMIC FRONTLINERS”

  1. 454190 339336Wow, incredible weblog structure! How lengthy have you ever been blogging for? you made running a blog look simple. The full look of your website is fantastic, nicely the content material! 768133

Leave a Reply

Your email address will not be published.