ISASARA KO NA BA ANG AKING NEGOSYO?
Tanong: Doc Benj, ano po ang inyong masasabi dahil pinag-iisipan ko na pong isara ang aking business?
Sagot: Maraming ne- gosyo ang nagsara na dahil sa ating sitwasyon at sa simpleng kadahilanan, ito ay nalulugi na sila at im- bes na kumita ay nauubos pa ang dating kinita. Ito ang simpleng kasagutan sa tanong natin ngayon pero marami pa rin ang nag-ii- sip na ipagpatuloy ang ka- nilang negosyo. Ngayong nalalapit na naman ang re- newal ng business permit, ating subukang alamin ang kadahilanan kung bakit dapat ba nating isara na o ipagpatuloy pa ang ating negosyo. Narito ang ilang magandang puntos na pag-isipan:
- 1.Kumikita pa ba?- Ano ang ibig sabihin ng kita? Madaling isipin na ang ibig sabihin ng kita ay sales minus lahat ng gastos (cost at operating expenses) equals profit pero dapat ma-consider mo ang ibig sabihin ng gross profit. Ang gross profit ay sales minus cost equals gross profit. (Ang ibig sabihin ng cost ay gas-tos na diretsong katuwang ng produkto.) Kung hindi mo pa muna ibabawas ang operating expenses, ikaw ba ay may gross profit? Dahil ibig sabihin, ang gross profit ang natitirang puwedeng ipambayad sa mga operating expenses o kadalasang fixed expenses (mga gastusing dapat bayaran kahit hindi naka-kabenta). Posibleng mabawasan o mawala ang pagkalugi kung nakakabenta ka pa tin pero ang iwasan ay ang operating expenses. Kaya magandang senyales na ikaw ay nakakabenta pa rin ang kailangan lamang ay bawasan o alisin ang operating cost o tinatawag na cost cutting. Kung hindi na nakakabenta, ibig sabihin wala na ring gross profit kaya dapat ma-zero mo talaga ang operating expenses.
- Bawasan o Paliitin Imbes na Isara?- Ating sundan ang puntos no. 1, bawasan ang fixed expenses kaya maaaring bawasan o paliitin ang operation para lumiit ang buwanang gastusin. May mga gastos ka na talagang babayaran kahit wala kang benta katulad ng upa sa puwesto, sahod sa mga administrative na mangagagawa, buwanang telepono o internet at iba pa na puwede mo sanang mapag-isipang iwa-san na muna. Kaya imbes na isara na kaagad ay panatilihing bawas ang operating cost at magkaroon lamang ng sapat na gross profit para ma-sustain ang business.
- Makakahintay Dahil Magandang Strategy?- Kung kakayaning maliit ang monthly operating cost, baka mainam na ituloy ang business at strategically ay masabing nandiyan ang business mo at naka-survive ka sa pendemya o mabigat na sitwasyon ngayon at masasabi mo sa future clients mo na ikaw ay mata-tag na kompanya. Hindi rin mapapalitan ang negosyo mo ng iba pang puwedeng pumasok na business at maagawan ka ng customers. Kaya, mahalagang maben- tahan mo pa rin, lalo ang mga loyal na cus-tomers mo nang hindi sila lumipat sa iba at kung maiisipan mong itayo muli ang negosyo mo ay hindi mo na sila makuha ulit. Posibleng nalulugi ka sa ngayon, hanggang saan ang kaya mo at ikumpara mo sa posible mong kitain sa kung babalik na muli sa operation ng hindi ka nahihirapang magbukas ulit. ‘Pag nagbukas ka ay gagastos ka rin ng marketing na naman, start-up cost atbp.kaya magandang maikumpa-ra mo muna ang mga gastusin sa pagme-maintain vs pagbubukas mong muli at ‘yung posibleng benta vs sa mawawalang benta. Strategically, maintain ang presence ng business mo.
- Makakahingi ng Tulong o Makakahiram?- Baka sakaling makahiram sa gobyerno, bangko o makahingi ng tulong sa iba na magpapatuloy ng business mo. Posibleng mas malaki naman ang kikitain pa rin kahit may interest sa utang. Baka mas mainam ‘yung paghahanap ng tulong para magpatuloy kaysa mag-umpisa muli.
- Baguhin at Kaya pa bang Palaguin? Nakikita pa bang puwede pang kumita? Kung pa- pasok ka sa pagiging em- pleyado din eh baka mahirap ding maghanap ng bakanteng trabaho kaya baka magan-dang pag-isipan at aralin muna kung paano babaguhin ang negosyo at maka-adapt sa sitwasyon nga-yon. Ang pagkalugi ay pansamantala at posibleng ito ang pagkakataong baguhin ang negosyo ng naaayon na sa hamon ng panahon. Kahit mag-business kang muli talaga namang mag-iiisip ka rin ng bago, kaya magandang ipagpatuloy ang naitayo mo nang pangalan ng kompanya dahil sa update ng registration ng business sa gobyerno ay mas madali kaysa magsara at mag-o-open ka ng bago.
- Ayusin, Gawan ng Magandang Profile at Ibenta? Ilan lamang ito sa mga mabuting naidudulot ng pag-tulong ng inyong business sa ating mga kababayang nangangailangan. Tumulong, makipagtulungan at matutulungang lumago ang iyong business. Mayroong pangmatagalang bunga ang pagtulong kaya nga naman ang mga malalaking kompanya ay may mga kani-kaniyang corporate social responsibility, foun-dation o ano pa mang paraan ng pagtulong.
Nawa ay nakatulong itong ating payo sa pagnenegosyo at mamulat pa tayo sa mas malalim na pag-unlad. Para sa mga ilan pang katanungan, maaari ninyo akong ikonsulta, i-email ninyo ako sa benjiega-napin@yahoo. com.
oOo
Si Doc Benj ay isang consultant sa business, professor at CPA. Para sa mga Accounting, Taxation, Bookeeping at Auditing na pangangailangan, tumawag sa 0917-876-8550
Comments are closed.