MARAMING Pinoy ang nagsasabi na ang isda at mga seafood na tinda ngayon sa palengke ay mas maliliit, mas mahal, at iilang klase na lamang kumpara sa nagdaang dekada, ayon sa survey.
Napag-alaman sa survey ng isang Social Weather Stations (SWS) na inatasan ng Oceana Philippines na lima sa sampung Filipino ay napansin na ang mga huli sa dagat ay humina at lumiit.
Samantala, nasa 87 porsiyento ang nagsasabi na ang isda at seafood ay mas mahal ngayon kaysa noong nakaraang sampung taon.
Karamihan sa mga Filipino, na nasa 70 porsiyento ay kumakain ng isda o seafood ng limang araw sa isang buwan, ayon sa SWS.
Napansin din sa survey na ang huli ng mangingisdang Pinoy ay patuloy na bumababa sa loob ng apat na taon mula 2008 hanggang 2017, base sa datos mula sa Philippine Statistics Authority.
Pero, apat sa sampung Filipino, ang nakasisirang pangingisda ang nakikitang pinakadahilan ng problema sa karagatan at dalawa lamang sa sampu ang nakaiisip na ang sobrang pangingisda ang pinakamalaking problema.
Ang survey, na tinawag na “Feasting o Fasting on Fish?” ay isinagawa mula Setyembre 23 hanggang 27, 2017 at may total na 1,500 ang sumagot sa survey sa buong bansa.
Comments are closed.