ISDA MULA SA CAVITE LIGTAS NANG KAININ

CAVITE – MAKA­RAAN  ang isang buwang pagbabawal na mangisda sa karagatang sakop ng lalawigang ito dahil sa posibilidad na maging harmful para sa sangkatauhan, mismiong si Governor Jonvic Remulla ang nagpahayag na maaari nang bumalik ang pangi­ngisda.

Maging ang pagkain ng mga isda mula sa nasabing karagatan ay ligtas na rin.

Ayon sa gobernador, ang pagpapahintulot na maaari na para sa human consumption ay alinsunod sa pahayag ni Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel at sinabigng ligtas nang kainin ang mga isdang nahuhuli sa Cavite.

Ang pagbabawal na mangisda sa nasabing karagatan ay kasunod ng ng oil spill sa mga apektadong lugar sa kanilang lalawigan.

Gayunman, nagpaalala pa rin ang gobernador sa pagkain laban sa tahong at halaan, dahil pinag-aaralan pa ito.

Samantala, aabot sa P1 bilyon ang danyos dahil sa oil spill makaraan ang pagtaob ng MV Terra Nova sa Limay, Bataan.

Nanawagan si Remulla sa pamunuan ng MV Terra Nova kung saan nag-ugat ang oil spill sa Bataan.

“Paging MV Terra Nova at sa mga may-ari nito: kaunting malasakit naman para sa mga kababayan kong naghihirap ng dahil sa kapabayaan ninyo,” anang gobernador.

PMRT