(Isinampa ng BIR sa QC RTC) TAX EVASION VS 2 ‘GHOST COMPANIES’

PINANGUNAHAN ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Romeo Lumagui Jr. ang pagsasampa ng mga kasong Tax Evasion, Failure to file Income Tax Returns, Failure to Supply Correct and Accurate Informations, at  Making False Report in the Audited Financial Statements laban sa dalawang “ghost companies” na sangkot umano sa pagbebenta ng pekeng receipts returns, sa Regional Trial Court at Metropolitan Trial Court ng Quezon City.

Ayon kay Lumagui, nagsampa sila ng 14 criminal cases laban sa Decarich Supertrade Inc. at Redington Corporation, kasama ang limang   corporate officers at accountants ng dalawang kompanya, na inilarawan niya na  “ghost corporations” dahil sa pagbebenta ng mga pekeng resibo.

Ayon kay Lumagui, nakakita ang. Department of Justice (DOJ), na nagsagawa ng preliemnary investigation laban sa dalawang kompanya, ng probable cause.

Aniya, ang dalawang kompanya ay kabilang sa unang batch ng ghost corporations na sinampahan ng  BIR ng criminal complaints sa DOJ noong nakaraang taon na nagresulta sa pagkawala sa pamahalaan ng tinatayang kabuuang kita na P25.5 billion para sa taxable years 2019 hanggang 2021.

Ang BIR ay naghain na ng 23 criminal complaints laban sa sellers at buyers ng fictitious receipts/transactions sa ilalim ng Run After Fake Transactions (RAFT) Program ng BIR.  Nito lamang buwan ay sinampahan ng kasong kriminal sa DOJ ang sikat na cosmetic brand, Ever Bilena Cosmetics, dahil sa pagkakasangkot sa ‘highly fictitious transactions’ sa ghost companies na nagkakahalaga ng bilyon-bilyong piso. “The BIR under the Run After Fake Transactions Taskforce will not hesitate to file criminal cases against big corporations/syndicates that sell, buy, or use Ghost Receipts,” sabi ni Commissioner Lumagui.