HINIMOK ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) ang gobyerno na mag-angkat ng sibuyas mula sa ibang bansa upang mapigilan ang patuloy na pagtaas ng presyo nito.
Ayon kay SINAG president Rosendo So, iminungkahi ng grupo ang pag-angkat ng hindi bababa sa 2,500 metriko tonelada ng pulang sibuyas at 3,500 metriko tonelada ng puting sibuyas.
Umaasa rin sila na maibenta ng P80 kada kilo ang puting sibuyas habang P50 hanggang P140 kada kilo ang puting sibuyas.
Batay sa datos ng Department of Agriculture (DA), umabot sa P280 kada kilo ang presyo ng pulang sibuyas sa Metro Manila.
Pinag-aaralan naman ng DA ang panukalang mag-angkat ng sibuyas na hindi bababa sa 10,000 metriko tonelada para sa Kapaskuhan.
Samantala, sa palengke ng Kadiwa, maaaring mabili ang sibuyas sa halagang P170 kada kilo. DWIZ 882