ALTERNATIVE LIVELIHOOD. Coconut farmers tend to their flock of sheep in this undated photo. Agriculture Undersecretary Deogracias Victor Savellano said Friday (Dec. 1, 2023) that the agency targets to propagate a domestic sheep-raising industry while simultaneously supplementing the income of coconut farmers. (PNA photo)
TARGET ng Department of Agriculture (DA) na magtatag ng isang domestic sheep-raising industry bilang suporta sa kadalasang kakarampot na kita ng coconut farmers.
Ayon kay DA Undersecretary Deogracias Victor Savellano, ang pag-aalaga ng maliliit na ruminants — partikular ang tupa – ay magandang alternatibong livelihood opportunity sa coconut farmers, na kadalasang walang ginagawa habang naghihintay sa susunod na anihan.
Ang inisyatibong ito ay kaugnay sa P850-million livestock dispersal program ng DA para sa coconut farmers sa pakikipagtulungan sa Philippine Coconut Authority (PCA).
“The DA has always promoted inter-cropping, but now we are adding livestock-raising to the list of alternative livelihoods that they (coconut farmers) can get into. Sheep farming is something we are really interested in because there are much fewer sheep in the Philippines compared to goats,” pahayag ni Savellano sa Philippine News Agency.
Aniya, may international demand para sa tupa, hogget, at mutton (sheep meat), gayundin sa tool, na maaaring samantalahin ng local producers.
Ayon kay Savellano, target ng DA na simulan ang pamamahagi ng manok, native na baboy, at kambing, bukod sa tupa, sa qualified beneficiaries bago matapos ang 2023.
Ang mga benepisyaryo na tinukoy ng PCA ay kinabibilangan ng leaseholders o tenants na nagtatanim ng niyog sa hindi hihigit sa limang ektaryang lupain.
Ang farm laborers, occasional o itinerant, na umaani ng niyog o nagtatrabaho sa koprahan bilang pangunahing kabuhayan ay potential beneficiaries din ng livestock distribution program.
“This (livestock distribution) is still part of the President’s (Ferdinand R. Marcos, Jr.) goal to increase the country’s food production fivefold within the next five years,” sabi ni Savellano.
(PNA)