PINAIGTING ng Department of Agriculture (DA) ang kampanya nito na isulong ang urban agriculture sa tulong ng pribadong sektor sa kabila ng mga hamong dulot ng COVID-19 pandemic.
Sa kanyang pagbisita sa isang urban farm sa Novaliches, Quezon City, sinabi ni Agriculture Secretary William Dar na ang pag-gamit ng makabagong teknolohiya sa agrikultura ay magbubunga ng magandang resulta.
“Technology-based agriculture is the platform, and agripreneurship is a key strategy to modernize the country’s agriculture sector and contribute to its growth,” wika ni Dar.
Aniya, ang pakikipagpartner sa pribadong sektor ay mahalaga para mag-invest sa agrikultura.
Kasama ang iba pang opisyal ng DA, binisita ni Dar ang Growtech Farms na pag-aari ni Agrosheriff client Martin Escalona ng Simplicity Solutions real estate.
Ayon kay Dar, ang Growtech Farms greenhouse ang pilot urban farm project ng Agrosheriff sa bansa.
Ang pasilidad na nakalaan sa pagpapalago ng strawberries, lettuce, at iba pang gulay ay tinatampukan ng Israeli agricultural equipment at technologies, kabilang ang hydroponics at irrigation fertilizer systems. PNA
42714 631651I believe that a simple and unassuming manner of life is finest for everyone, greatest both for the body and the mind. 281143
971836 654885Swiftly and easily build your web traffic and PR, which provides Internet site visitors to add your page to any social bookmarking website. 171184
429614 42875Directories such given that the Yellow Websites require not list them, so unlisted numbers strength sometimes be alive far more harm than financial assistance. 875761