(Isinusulong ng DTI chief sa ‘new normal’) AT-HOME COVID-19 TESTING 

ITINUTULAK ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez ang pagkakaroon ng rapid test kits sa bawat tahanan sa pagharap ng bansa sa ‘new normal’.

“Our SOP — standard operating procedure — should be that each person has an antigen test (kits) on your own,” wika ni Lopez sa panayam ng Radyo Pilipinas.

Ayon kay Lopez, ginagawa na ito sa ibang bansa, tulad ng United Kingdom at United States, nang sa gayon ay ma-test ng mga indibidwal ang kanilang mga sarili kung mayroon silang viral infection, lalo na kung dumadalo sila sa mga pagtitipon kung saan marami ang maaaring mahawaan ng virus.

“But that is going to the new normal, which you can test on your own,” anang kalihim.

Sa kasalukuyan ay hindi pa inaaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang anumang self-administered test kits, ngunit lumapit na ang ahensiya sa Department of Health (DOH) upang kunin ang opinyon nito hinggil sa at-home test kits.

Sa ngayon, ang mga indibidwal ay kailangang magtungo sa clinics o testing centers para sa COVID-19 screening sa pamamagitan ng reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) test, na siyang gold standard sa pagtukoy sa coronavirus. PNA

8 thoughts on “(Isinusulong ng DTI chief sa ‘new normal’) AT-HOME COVID-19 TESTING ”

  1. 491958 460175Likely to commence a business venture about the refers to disclosing your products and so programs not just to individuals near you, remember, though , to several potential prospects far more via the www often. earn dollars 80853

  2. 470127 63693This internet site is in fact a walk-through it actually is the data you desired relating to this and didnt know who ought to. Glimpse here, and youll undoubtedly discover it. 137378

Comments are closed.