NANINIWALA si National Task Force (NTF) against COVID-19 Medical Adviser Dr. Ted Herbosa na napapanahon nang buksan para sa mga manggagawa ang pagtuturok ng 2nd booster shot kontra COVID-19.
Paliwanag ni Herbosa na dapat nang tumanggap ng karagdagang dose ang nasabing mga indibidwal kung higit apat na buwan na ang nakalipas mula nang mabakunahan ng first booster shot.
Giit pa niya na dapat ibigay sa mga manggagawa ang naturang bakuna kaysa masayang sa mga imbakan.
Nanawagan naman si Herbosa sa mga awtoridad hinggil sa kaniyang mungkahi na mapadali ito dahil nakapagtala na ng mas nakahaehawang Omicron subvariant na BA.4 ang bansa. DWIZ 882