ITINUTULAK ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ang 14-day paid quarantine leave para sa mga manggagawa na na-quarantine o tinamaan ng Novel Coronavirus habang nagtatrabaho.
Ayon kay TUCP president at TUCP party-List Rep. Raymond Mendoza, dapat ipagkaloob kapwa ng government at private sector ang nasabing kompensasyon sa mga manggagawa na nalantad sa virus.
“There is an urgent emerging need for government policy regulation for government and private business to provide a devoted and additional across-the-board cash compensation benefit unique only for all frontline employees who are in the first and secondary exposed directly or indirectly to the risk of infection to the dangerous nCoV virus,” ani Mendoza.
“ Under the existing quarantine policy, any person who may be directly or indirectly exposed to animals, humans, and facilities from which there was a risk of exposure to the nCov would be quarantined for 14 days.”
Dahil dito ay nanawagan si Mendoza sa Civil Service Commission (CSC) at sa Department of Labor and Employment (DOLE) na bumuo ng paid quarantine leave policy para sa mga nagtatrabaho sa gobyerno at sa private business employees.
Ayon sa party-list rep, ang pangangailangan para sa naturang polisiya ay maliwanag sa mga kaso ng airline, at hotel and restaurant workers sa Cebu at Dumaguete City na na-quarantine na walang suweldo, makaraang ma-expose sa isang pinaghihinalaang nCoV-stricken tourist.
“There were reports that the cost of antibiotic medicines, face masks, and hospital and professional fees were charged to the employees quarantined,” ani Mendoza.
Comments are closed.