(Isinusulong para makabangon mula sa epekto ng pandemya) P10-B CASH AID SA MALILIIT NA NEGOSYO

REP MARTIN ROMUALDEZ

Sa House Bill No. 1 o ang Government Financial Institutions Unified Initiatives to Distressed Enterprises for Economic Recovery (GUIDE) bill na inihain ni Leyte Rep. Martin Romualdez,
inaatasan ang dalawang GFIs — ang Land Bank of the Philippines (LBP) at ang Development Bank of the Philippines (DBP) na palawakin ang kanilang programang pautang para makaagapay sa micro, small and medium enterprises (MSMEs) na apektado ng COVID-19 pandemic.

Tinatayang P7.5 billion ang ipinalalaang halaga sa LBP habang P2.5 billion naman sa DBP o kabuuang P10 billion para maisakatapuran ang mandato na pagtulong sa maliliit na negosyo.

Tungkulin ng LBP at DBP na palawakin ang kanilang credit program at rediscounting facilities sa mga apektadong MSMEs sa agrikultura, imprastraktura, manufacturing at service industries.

Iginiit ng kongresista ang kahalagahan ng tulong pinansiyal sa maliliit na negosyo upang makabalik sa operasyon at makapag bigay ng trabaho sa mga Pilipino.

Binibigyang awtorisasyon din ang dalawang government banks na lumikha ng special holding company para muling pasiglahin ang MSMEs at “strategically important industries” na lubhang pinadapa ng pandemya.