ITINUTULAK ni Assistant Majority Leader at ACT-CIS Partylist Rep. Niña Taduran ang paglalagay ng closed circuit television cameras o CCTVs sa lahat ng mga pampublikong lansangan kasunod na rin ng nangyaring ‘misencounter’ sa pagitan ng QCPD at ng PDEA.
Ayon kay Taduran, makatutulong ang pagkakabit ng CCTVs sa mga kalsada para sa ikareresolba ng imbestigasyon sa anumang klase ng krimen.
Inirekomenda ng lady solon na ipuwesto ang CCTVs sa mga poste ng koryente, partikular sa mga national road.
Naniniwala si Taduran na kung may mga CCTV sa mga lansangan ay magiging madali ang pagbabantay at pagsisiyasat sa mga krimen lalo na sa kontrobersiyal na misencounter ng mga operatiba.
Iminungkahi rin ng kongresista na alisin na ang requirement na paghingi ng court order sa pagkuha ng mga CCTV recordings kahit sa mga pribadong establisimiyento, lalo na kung ito ay may kinalaman sa imbestigasyon ng krimen.
Giit ni Taduran, lalo lamang itong nakapagpapabagal sa imbestigasyon ng kaso at hindi na kakailanganin pa ang manawagan sa publiko tulad ng ginawa ni PDEA Director Wilkins Villanueva na humihingi pa ng cellphone videos kaugnay sa insidente para sa isinasagawang imbestigasyon. CONDE BATAC
885374 423010This really is a great topic to speak about. Typically when I locate stuff like this I stumble it. This post probably wont do well with that crowd. I will likely be positive to submit something else though. 3212
190939 662780As soon as I found this internet website I went on reddit to share some of the enjoy with them. 717798