INIHAIN sa Kamara ang House Bill 7108 o ang panukalang “Dog Stations in Shopping Malls Act”.
Ito’y sa gitna ng tumataas na bilang ng mga fur parent o mga may alagang aso.
Nakasaad sa naturanv panukala ni Parañaque Representative Edwin Olivarez ang mandatoryong paglalagay ng mga shopping malls ng kahit isang dog station sa loob ng kanilang pasilidad kung saan puwedeng iwan ang mga alagang aso habang naglilibot o namimili ang kanilang amo.
Naniniwala ang kongresista na ang naturang panukala ay magbibigay proteksiyon sa mga alagang hayop, partikular sa mga aso.
-DWIZ 882