INIREKOMENDA ni House Social Services Committee Chairman Alfred Vargas sa pamahalaan na paigtingin pa ang mga hakbang upang mahimok ang mga drug manufacturer na magtayo ng mga manufacturing plant para makagawa ng sariling COVID-19 vaccines ang bansa.
Naniniwala si Vargas na kung magkakaroon ng mga ganitong kompanya sa bansa ay tiyak na makakamit ang pangmatagalang benepisyo tulad ng matatag na suplay ng mga bakuna na makatutulong sa health care service.
Iminungkahi ng kongresista sa mga ahensiya ng gobyerno na simulan na ang paglalatag ng incentives package na makahihikayat sa mga vaccine manufacturer na mag-invest at magtayo ng kompanya sa bansa.
Sinabi pa ng mambabatas na ang pagkakaroon ng vaccine manufacturers sa Filipinas ay magiging isang ‘game changer’ pagdating sa access sa bakuna ng bansa.
Binanggit ni Vargas na ilang bansa na ang sumailalim sa mass vaccination drive, nakapagbukas na ng mga negosyo at unti-unti nang nakababalik sa normal na mga aktibidad dahil kung hindi nakabili ng maraming suplay ng bakuna ay mismong sa kanilang bansa ay may mga nag-manufacture ng COVID-19 vaccine.
Tiniyak naman ni Vargas na mismong ang Kongreso ang magsusulong para sa kinakailangang legislative measures upang makumbinsi ang mga vaccine manufacturer na pumasok sa bansa. CONDE BATAC
589842 988856Thank you for your extremely excellent data and respond to you. I need to verify with you here. Which isnt one thing I often do! I get pleasure from reading a publish that can make folks think. Furthermore, thanks for allowing me to remark! 927729