UPANG tugunan ang pangangailangan para sa sapat na health care personnel at facilities, inihain ng isang neophyte lawmaker ang panukalang batas na naglalayong magkaroon ng ospital ang lahat ng state universities and colleges (SUCs) na may iba’t ibang medical courses.
Sa kanyang iniakdang House Bill No. 8633, binigyan-diin ni House Assistant Majority Leader at Quezon City 1st Dist. Rep. Anthony Peter ‘Onyx’ Crisologo na pangunahing problema ng pamahalaan sa pagkakaloob ng serbisyong pangkalusugan sa sambayanang Filipino ay ang kakulangan sa pasilidad at medical workers.
“In a study done by the University of the Philippines-Center for Intergrative and Development, it stated that the existing deficiency in the number of practicing medical practioners results to the adverse health outcomes in the country,” sabi pa ng first-termer QC solon.
Sa pag-iral ng COVID-19 pandemic, ani Crisologo, mas napatunayan at nahaharap sa malaking hamon ang health care system ng bansa, partikular ang kakayahan nitong aksiyunan ang isang public health emergency.
Kaya naman sa kanyang proposed measure, na pagpapatayo ng ospital sa lahat ng SUCs na may medical programs, tiwala ang kongresista na dalawang malaking bagay ang agad ang masosolusyunan nito.
Una na rito ang pagkakaroon ng pagamutan na may kapasidad na magbigay ng serbisyo sa kaukulang bilang ng mga pasyente at pangalawa, ang pagkakaroon ng pasilidad para sa pangangailangan na mahasa ang kaalaman at kasanayan ng mga estudyante mula sa iba’t ibang kursong medikal.
“This bill will enhance the medical programs in state universities and colleges, through the provision of accessible and sufficient training grounds for medical students and consequently guarantee the production of additional medical experts leading to a more effective health system,” ayon pa kay Crisologo. ROMER R. BUTUYAN
Comments are closed.