(Isinusulong sa Kamara) P50K ENTRY-LEVEL SALARY NG TEACHERS

NAGHAIN ang Makabayan bloc lawmakers ng panukalang batas na nagtataas sa entry-level salary ng mga guro sa P50,000.

Pinangunahan ni ACT Teachers Partylist Rep. France Castro ang grupo sa paghahain ng House Bill 9920 na humihiling sa pamahalaan na itaas ang kasalukuyang minimum monthly salary ng public school teachers sa P50,000 mula P27,000.

Katumbas ito ng salary grade 15 sa ilalim ng Salary Standardization Law.

Ayon sa mga kongresista, karamihan sa mga guro ay walang magawa kundi ang maghanap ng oportunidad sa ibang bansa dahil ang kanilang P27,000 entry-level salary kada buwan ay hindi sapat upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan.

Teachers are given increases of a little over P6,000 spread across four years, or about P1,500 annually,” anang mga mambabatas.

These measly increases are quickly eaten away by inflation and excise taxes, especially those brought by the Tax Reform for Acceleration and Inclusion. The disparity between the salary and the family living wage continues to widen, as inflation steadily rises without corresponding timely increases in salaries,” dagdag pa nila.