(Isinusulong sa Kamara) ‘SUPER RICH’ BUWISAN ANG YAMAN

PINAPAPATAWAN ng Makabayan Bloc sa Kamara ng buwis ang yaman ng mga bilyonaryo o mga ‘super rich’ sa bansa para makadagdag sa pondo ng pamahalaan sa medical services at iba pang programa sa mga mahihirap.

Ang House Bill No. 10253 o ang ‘Super-Rich Tax Act of 2021’ ay inaamyendahan ang National Internal Revenue Code of 1997.

Sa ilalim ng panukala ay papatawan ng 1% tax ang mga mayayamang may assets na higit sa P1 billion, 2% na buwis naman sa mga may yaman na higit P2 billion at 3% tax sa higit P3 billion ang kayamanan.

Inaasahang ma­ka­kalikom ng P236.7 billion kada taon ang gobyerno mula sa buwis ng mga pinakamayayamang Pilipino sa bansa.

Ang 60% sa bilyong buwis na makokolekta ay eksklusibong gagamitin para sa medical assistance at sa Health Facilities Enhancement Program.

Samantala, ang 40% ay ilalaan sa mga programa para sa edukasyon, social protection, trabaho, at pabahay.

Makatutulong ang pagbubuwis sa assets ng mga pinakamayayaman sa bansa para madagdagan ang pondo ng kaban ng bayan at upang mapagaan ang pasanin ng mga ordinaryong taxpayer. CONDE BATAC

One thought on “(Isinusulong sa Kamara) ‘SUPER RICH’ BUWISAN ANG YAMAN”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *