ILILIBRE sa buwis ang lahat ng mga donasyong salapi at rewards na matatanggap ng national athletes at coaches sa bansa.
Bunsod na rin ito ng pagbuhos ng financial incentives ng pribadong sektor para kay Olympic gold medalist Hidilyn Diaz.
Sa House Bill 9891 o ang “Hidilyn Diaz Act of 2021″ na inihain ni Albay Rep. Joey Salceda, inaamyendahan ang Republic Act 10699 o ang “National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act.”
Isisingit ang isang bagong seksyon sa batas kung saan ililibre sa lahat ng tax, fee at iba pang charges na ipinapataw ng mga ahensiya ng gobyerno, local man o national, ang lahat ng rewards, bonuses, at iba pang uri ng bayad na pabor sa mga atleta at coach na maglalaro at magwawagi sa mga international sports competition.
Nakasaad pa sa panukalang batas na hindi dapat ipagkait ang pribilehiyo kahit pa bigo ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na makalikha ng rules and regulations para rito.
Hindi rin dapat maging kapalit ng pribilehiyong ito ang mga naunang tax privileges na natatanggap ng mga atleta, coach at maging ng mga donor.
Nakatakdang tumanggap ng hindi bababa sa P40.5 million cash incentives si Diaz mula sa pamahalaan at sa pribadong sektor matapos na masungkit nito ang kauna-unahang gintong medalya ng Pilipinas.
Tatanggap din siya ng bahay at lupa, condominium unit, sasakyan at free flights mula sa AirAsia Philippines at Philippine Airlines.
Samantala, nakatakdang magbigay ang Kamara ng cash gift kay Diaz at sa iba pang atletang makapag-uuwi ng medalya sa Olympics na inaasahang aabot sa P5 milyon hanggang P10 milyon. CONDE BATAC
where can i buy stromectol She encourages fellow survivors to get out there, try something new, and be ready to be amazed with what you discover, or, as Hope Afloat s mission statement encourages, making a new sport part of your recovery just may awaken the dragon within
buy cialis with paypal Most doctors just want to do surgery to avoid lawsuits with no regard for what is best for their patients
5 mg tamoxifen study A chance of scenery may be the answer
150749 7980I actually dont accept this certain post. Nonetheless, I had searched with Google and Ive located out that youre right and I had been thinking inside the improper way. Maintain on creating top quality material related to this. 301070
887115 126954I appreciate your function , thanks for all of the informative weblog posts. 943837
extracted О±- zingiberene 22 brand cialis online