(Isinusulong sa Kamara) TAX PERKS SA COVID-19 VAX DONORS

Rep Mike Defensor

ITINUTULAK ni Anakalusugan Partylist Rep. Mike Defensor ang pagkakaloob ng tax perks sa mga donor para sa COVID-19 vaccines ng mga guro at mga mag-aaral sa ilalim ng Adopt-a-School Program.

Sa kanyang House Bill 9200, nais ni Defensor na bigyan ng tax benefits ang mga private corporation at mayayamang indibidwal na mag-i-sponsor ng COVID-19 vaccination ng nasa 933,000 mga guro at 23 million na mga estudyante sa public school system.

Ang mga donor ay entitled sa 150% na ‘additional deduction’ sa tax mula sa gross income base na rin sa ginastos o biniling bakuna.

Giit ni Defensor, kailangan na ng tulong ng pribadong sektor kaya magandang panghikayat ang kabawasan sa buwis.

Bukod dito, dapat na rin aniyang madaliin ang immunization sa mga guro at mga mag-aaral para sa ligtas na pagbubukas ng klase.

Umaasa naman ang kongresista na maaaprubahan ng mga regulator sa 2022 ang COVID-19 shots para sa mga kabataang may edad 16 pababa. CONDE BATAC

5 thoughts on “(Isinusulong sa Kamara) TAX PERKS SA COVID-19 VAX DONORS”

  1. 841628 444547Hello! I just would like to give a huge thumbs up for the wonderful information youve here on this post. I may well be coming back to your weblog for a lot more soon. 680249

  2. 668317 254682Youre so cool! I dont suppose Ive read anything like this before. So good to search out any individual with some original thoughts on this subject. realy thank you for starting this up. this website is 1 thing thats wanted on the internet, somebody with a bit of originality. beneficial job for bringing something new to the internet! 739497

Comments are closed.