(Isinusulong sa Kamara) WASTONG PAGGAMIT SA GOV’T FUNDS

joey sarte salceda

ITINUTULAK ni House Ways and Means Committee Chairman at Albay Rep. Joey Salceda ang panukala para sa accountability at pagtiyak na wasto ang paggugol sa pondo ng gobyerno.

Ang nasabing panukala rin ang prayoridad ng mga economic manager at siya ring batayan ng reporma ng administrasyong Duterte.

Layon ng House Bill No. 9214 o ang Budget Modernization Bill na mas mapatatag ang public financial management ng bansa.

Itinatakda sa panukala ang ground rules para sa paggamit at alokasyon ng pondo ng gobyerno at pambansang budget, gayundin ay mas pinatatatag ang partisipasyon ng publiko at transparency sa pondo.

Nakasaad din dito ang proseso at regulasyon para sa budget preparation, management, at reporting.

Ayon pa sa panukala, ang isang congressional proposal na makaaapekto sa kita ng gobyerno tulad ng tax breaks ay dapat na may katapat na mapagkukunan o revenue source.

Nasa ilalim din ng panukala ang pag-institutionalize sa Budget Priorities Framework na titiyak na ang pambansang pondo ay mailalaan sa mga prayoridad ng bansa.

Nakasaad din sa panukala ang malayang pag-access ng publiko sa mga impormasyon ng budget na sisiguro sa ‘people’s participation’ sa proseso ng budget. CONDE BATAC

2 thoughts on “(Isinusulong sa Kamara) WASTONG PAGGAMIT SA GOV’T FUNDS”

  1. Good day! Do you use Twitter? I’d like to follow you if that would be ok.
    I’m undoubtedly enjoying your blog and look forward to new updates.

Comments are closed.